Nagpautang po kami sa iilang tao that range from 30 thousand - 100 thousand wala po kaming ginawang kontrata or anything kasi po kilala naman po namin sila, they have been working with us for years. Ngayon po nagkakaroon po kami ng problema sa pagsingil sa kanila. Meron po kaming records ng mga utang nila since nung nagsimula silang umutang sa amin na ngayon po ay umabot na nga po ang ilan sa 100 thousand. Ano po bang mga legal steps ang pwede naming gawin para mabawi na po namin ang utang nila? Maraming salamat po