Gusto ko lang magtanong tungkol sa situation ko ngayon sana po matulungan nyo ako.
Gumamit kasi ako ng fake education sa 2 previous employers ko pero hindi naman ako ngsubmit ng transcript or diploma kasi hindi naman hiningi sa akin. Nilagay ko lang na graduate ako ng bachelors degree sa isang university sa resume saka sa application form.
Sa ngayon, hindi na ako connected sa kanila. Naghahanap na ko ng work ngayon at gamit ko yung totoong education ko.
Ang worry ko lang, paano kung malaman ng mga previous employer na fake ung education ko nung time na nagwork ako sa kanila? (chizmiz)
Sa ngayon kasi gusto kong pumasok sa company ng dati kong ka opis mate, irefer daw nya ako. At syempre ibigay ko resume ko sa kanya, hindi ko kasi alam kung ibibigay ko kasi malalaman nya na hindi ako bachelors degree.
Saka alam ko din na kaya ako hindi makahanap ng work ngayon kasi hindi ako bachelors degree kahit na my 15 working experience na ko. (6 years fake education, 9 years true education). Senior level and team leader ang position ko nung time na fake yung education sa 2 previous employer ko, hindi naman supervisory or managerial.
Please help po, hindi ko kasi alam kung paano ang gagawin ko. Gusto ko kasi mag apply ng work ang worry ko lang baka malaman ng mga dati kong opis mate/employers na fake yung education ko dati.