hi po atty, hihingi po sana ako ng adv sa aking problema, nagloan po ako ng 40,000 sa isang lending company,seven months po ang terms namen at 7% po ang interest, pero weekly po dapat ako magbayad, nakiusap ako dati na baka pwede na monthly kse mahirap yung weekly, bale 8515 po ang monthly then kapag weekly singil is 2130, minsan late ang collections ko sa negosyo ko kaya nagkakadelay, pero nakakabayad naman po, pumapatung po sila ng 800 pesos sa babayaran kong weekly kong di ako makabayad on time, miski one day or two days lang delay, ngyun po one time may event po ako hindi ako naka pagbayad on time so dinoble ko po yung payment plus penalty, ang masakit po dito e pinagsasalitaan pa ako ng hindi maganda nung tao na naniningil, degrading na masyado kaya nakakapikon kaya minsan di ko sinasagot text o tawag pero magbabayad ako naman..in short miski may mga salitang di maganda nagbabayad pa rin ako weekly, tapos one tym, may pinasok sila na checke ko na hindi naman ang due balance ko nung tym na yun..ang sabi sakin e kakasuhan nila ako ng multiple estafa, sabi ko naman, wala naman tyo usapan na ipapasok yung checke, atty, yung check book ko po na yun e closed account na kse nawala po yun sa kasama nung mga bags ko dati, at isa pa po wala po akong contrata nan hawak galing sa kanila o kopya nung pinirmahan ko pati tuwing nagbabayad ako e wala pong resibo...panu po if ever kasuhan po nila ako, sana po bgyan nyo po ako ng legal adv tungkol po dito, hindi nako makatulog kse natatakot din naman po ako sa ganito, mahirap sila pakiusapan at matatapang, salamat po