March 28, 2013; Ang kapatid ko ay hinampas ng baso sa mukha ng kainuman nya, kapatid ko ang nagtatagay, ng iabot nya ang baso ng beer sa suspect, ang sabi "amoy suka ito" ininum ng suspect tapus sabay hampas sa kapatid ko.
Hanggang ngayon nasa ospital ang kapatid ko.
May laceration sa mukha sa paligid ng mata at pisngi, multiple stitches.Inoperahan ang mata, ayun sa doctor visually impaired na ang kaliwang mata, hindi na makukuha sa eye glasses or contact lens.
Nag file na po kami ng kaso sa police. Pinuntahan na ng police sa bahay pero itinatago na ng mga magulang.
1.Anong sunod na hakbang dapat gawin namin?
2.Anong pwededeng ikaso suspect?
3.Gusto ko maturuan ng leksyon yun suspect kulong or pagbabayad, khit sa alin paraan, mas mabigat mas mainam.
Kapatid ko po ay 24 anyos, graduate ng multimedia digital arts. Ang dalawang matang maayus essential sa pinag aralan nya.
Maraming salamat sa mga magbabasa at magbibigay ng payo.