tungkol po ito sa lupang namana ng aking tatay sa lola ko,rice field po ito located near highway road po.
ang problem po mayroon pong anim na pamilya ang illegal settlers doon,at ang mga bahay nila nasa tabi po ng road bali po 1/2 ng part po ng mga bahay nila nakatayo po sa property namin. sabi po ng tatay ko hindi na man daw po sila taga doon at hindi niya kilala maliban sa tenant,hindi naman daw binigyan ng pahintulot ng lola ko na magtayo sila ng mga bahay doon. ang reason naman ng mga illegal settlers ay nakatayo naman daw po yung mga bahay nila sa goverment road pa daw po sakop o saklaw. more than 5 years na po sila nakatira, at ngayon pa lng namin pinasurvey sa geodetic engineer at yun nga po naging result ng survey "encroachment" daw po yung mga bahay. ang ginawa po namin pinabarangay po namin para umalis po sila. ayaw po talaga nilang umalis. in fact,yung isa pa nga pong bahay ngpa.abuno pa ng lupa ang ginawan niya pinabakod pa niya yung bahay,parang wala talaga siyang planong lumipat o umalis.
ang last option po namin is to file a case sa court,pero hindi po namin afford kumuha ng attorney,20k po kasi pinakamababang fee sa mga napagtanungan ko.
Ang tanong ko lang po wala na po bang ibang option para mapaalis yung mga illegal settlers?
And if mg.file kami ng kaso ano naman po kaya ang dapat i.kaso sa kanila?