Ako po si Amanda.Gusto ko lng pa isangguni sa inyo kung magkakaroon po ako ng problema sa hinaharap tungkol sa paglipat ng titulo na nakapangalan sa aking nanay papunta sa akin.Itong lupa po kasi na ito ay pagaari ng nanay ko at noong year 2000 ay naibenta nya ito sa isang kaibigan.Nagbigay po cya ng deed of sale at yong TCT po doon sa pinagbentahan nya.Makaraan po ang mahigit 5 taon ay nagkaroon po ng pera ang nanay ko at napagdesisyunan nyang bilhin uli ang nasabing lupa para mabawi nya ito kasi may sentimental value ito sa kanya.Pumayag naman po ang kaibigan nya na ibenta uli sa kanya ang lupa.Naibalik po sa nanay ko yung TCT at napag alaman po nya na di pa pala ito naipaparehistro ng kaibagan nya sa bagong pangalan mula ng ito ay naibenta.Sa mdaling sabi po nasa pangalan pa rin ito ng nanay ko.Nitong huli po napagdesisyunan ng nanay ko na ilipat sa pangalan ko ang titulo ng nasabing lupa kasi tumatanda na siya.Pero tinanong ko siya kung nabigyan siya ng deed of sale ng kaibigan nya hindi raw po kasi nakalimutan na daw nya humingi kasi daw di naman nagalaw yung titulo.hindi naman nailipat sa ibang pangalan kaya nawala na daw sa isip nya yun.Hindi rin po nya nabawi yung unang deed of sale na ibinigay nya sa kaibigan nyang napagbentahan ng lupa.Yung TCT lng ang ibinalik sa kanya.Ang tanong ko lang po, ano po ang magiging problema nito kung magkakaroon man in the future pag magpapalipat na ng pangalan ng titulo ang nanay ko papunta sa pangalan ko.Natatakot po kasi ako baka makaisip ng kalokohan yung kaibigan niya at sabihin na kanya pa rin ang lupa kasi nandoon nga sa kanya yung deed of sale.TCT lng ang hawak namin.Sa mga di inaasahang pangyayari po kasi ay mayroon pong di pagkakaunawaan ngayon ang nanay ko at yung kaibigan nyang napagbentahan ng lupa.
Sana mapaliwanagan nyo po ako sa katanungan ko.SALAMAT PO
Sana mapaliwanagan nyo po ako sa katanungan ko.SALAMAT PO