Bumili po kami ng lupa sa pamamagitan ng hulugan sa loob ng limang taon. Updated po kami sa pagbabayad at advance pa po kami ng isang buwan batay sa nilagdaan naming kasunduan. Pangalawa, ang halaga po na dapat naming bayaran kada buwan ay P 2,337.00 pero ang ibinabayad namin kada buwan ay P2,350.00.Ang problema po ay hindi ni remit lahat ng broker ang aming mga naibayad sa mismong may-ari ng subdivision. Sa ngayon po ay dun na kami nagbabayad sa mismong may-ari ng subdivision.Pinipilit po kami ng may ari ng subdivision na bayaran ang accumulated penalty dahil sa hindi nga na remit lahat ng broker ang aming mga naibayad.
Makatwiran o makatarungan po ba na kami ang managot na magbayad sa penalty na di naman kami ang may gawa? Salamat po ng marami sa inyong tulong.
Makatwiran o makatarungan po ba na kami ang managot na magbayad sa penalty na di naman kami ang may gawa? Salamat po ng marami sa inyong tulong.