Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

School Payments

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1School Payments Empty School Payments Mon Nov 26, 2012 3:25 am

Michelle Obligacion


Arresto Menor

Atty. eto pong school ng anak ko ay isang bahay lang na di naman sakop ng DEPED may school sila sa Dasma na sakop ng DEPED. Kumbaga po parang extension itong nandito sa lugar namin. Ang anak ko po ay nursery pa lang, nun pong nakaraang Oct.2012 nagkaroon ng meeting sa school na di naman po ako nakarating dahil na stroke ang mother-in-law ko. May ni-require po silang "scouting" daw dahil po ito daw po ay suggested ng lima parent, (6 students lang po sila, including my son).

Nagtanong po ako kung bakit may "scouting" na kasama sa bayaran eh as per dun sa napag usapan prior to the meeting ay princess and prince at field trip lang, ang sagot ng teacher ay suggested daw yun ng 5 parent na ang ibig ipakahulugan ng teacher ay majority daw po yun...sabi ko po bakit huli na dapat po yun October pa dahil walang binyagan na mangyayari, gusto daw po ng mga parents kaya kailangan ko daw pong magbayad ng Php.1500.00 para sa training and uniform. Ang sabi ko po sa teacher paano po kung hindi ko pasasalihin ang anak ko ang sabi nya hindi daw po pwede kasi nga majority daw, sabi ko magtatanong-tanong po muna ako ng policy ng schools dito sa lugar namin, ang sagot nya po "magtanong ka hindi naman kami sakop ng DEPED kaya walang nag ru rule sa amin".

Pinipilit po kasi sa akin ng teacher na nakapirma daw po ako sa attendance, sabi ko naman po sa kanya na kaya ako pumirma ay dahil ang napag usapan namin ay yun sa field trip at prince and princess lang na events. Which is inamin naman nya na yun nga ang ininform nya sa akin, pero bigla daw po kasi nag come up sa 5 parents kaya no choice daw po ako kundi sumunod sa rules nila.

Tanong ko lang po, legal po ba ang ganitong palakad? Na kahit tapos na ang scouting month ay pwede pa ring mangyari? Salamat po ng marami ang more power.

2School Payments Empty Re: School Payments Tue Nov 27, 2012 12:20 pm

Michelle Obligacion


Arresto Menor

follow up ko lang po yun concern ko above of this post...thanks

3School Payments Empty Re: School Payments Tue Nov 27, 2012 12:37 pm

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

From the facts, it was shown that it was the majority who did the decision making not the school so paanong naging part ng policy un when it was shown that the parents have consented to such activity. I have not observed that even the school head nor the principal participated in such activity.

You can talk with the principal or school head and then you can ask your grievance. I am very sure they have grievance machinery in case of school, the guidance counselor. That is one of the reasons why there is a guidance counselor to serve as mediator between two parties when there is a controversy or issue regarding the school and students.

4School Payments Empty Re: School Payments Thu Nov 29, 2012 10:50 am

Michelle Obligacion


Arresto Menor

Wala po kasing guidance counselor or principal sa school na ito...dalawang teachers lang po ang meron sila, yun pong may ari at yung anak nya...sinabi ko po na hindi ko po pasasalihin ang anak ko, ang sabi po nung may-ari which is teacher din ng anak ko ay "mabuti pa i-stop nyo na po sa pagpasok ang anak nyo, dahil yun isa hindi ko din pinayagan na hindi magbayad tsaka unfair yun kasi sila nagbayad kayo hindi" ang sabi ko po "tapos na po kasi ang scouting month diba October po ang scouting month" ang sagot po nun teacher "eh majority nga po ang may gustong magka scouting kaya kailangan nyo magbayad". Ang pagkaka intindi ko po dito kahit tapos na ang scouting month (October) ay pwede pa din gawin basta gusto ng ng nakararaming parents...in total po kasi anim na students lang sila sa Nursery at Kinder (4) sa Nursery (2) sa Kinder. Paano po ba ang gagawin ko? Una po hindi sila under ng DEPED kasi wala pa po silang permit dito sa lugar namin, pangalawa po pag hindi daw po ako nagbayad ng 1,500 ay pahintuin ko na lang daw po ang anak ko...ayaw po pumayag ng may ari at the same time is teacher din ng anak ko na hindi ako mag bayad ng sa scouting na yan...hindi ko po talaga alam kanino lalapit para malaman ang karapatan ko...thank you po

5School Payments Empty Re: School Payments Sat Dec 01, 2012 12:28 am

Michelle Obligacion


Arresto Menor

follow up lang po ulit ako ng concern ko above of this post...thank you po Smile

6School Payments Empty Re: School Payments Sat Dec 01, 2012 7:54 am

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

Sumbong ninyo po sa T3. Mejo suspicious ang decision ng school teacher. Alternaltively you can file a complaint with the District Head ng ng DEPED sa area ninyo. They have jurisdiction over their school.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum