Gusto ko po sana tanungin sa inyo, ano po ba ang pwedeng gawin ni Grace(hindi tunay na pangalan) sa sitwasyong ito, ibinalita kasi ng kaopisina nya na may ipinapanood sa kanila ang lalaking nakatalik ni grace ng sex video/scandal nilang dalawa , hindi po alam ni grace na kinuhanan sya noong may nangyari sa kanilang dalawa ng kawork nya, nag resign na po si grace sa opisina na ito, nais po sana namin makahingi ng tulong o ng payo, na paano po ang gagawin upang maiprevent na kumalat ang sex video? natatakot po kasi si grace na magsumbong ukol dito, dahil nababahala sya na baka yung 2 kaopisina nya na nagbalita sa kanya eh hindi umamin about sa ikinakalat na sex video ng kawork nila at yung mismong kumuha ng video e tumanggi na sya ang nagkakalat nito.. Meron po bang paraan na legal upang makausap at mapaamin ang 2 katrabaho ni grace sa sex video, upang makasuhan ang taong nagkakalat nito? maraming maraming salamat po! sana po ay matulungan nyo kami , naaawa po kasi ako kay grace dahil hirap na hirap sya sa nangyayaring ito at hindi na sya makapagisip ng maayos ,sa sobrang kahihiyan sa sarili eh nais na lang na wakasan ang buhay nito.