Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

tamang kasunduan pa help naman po!!

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1tamang kasunduan pa help naman po!! Empty tamang kasunduan pa help naman po!! Fri Mar 22, 2013 11:07 am

mrs kho


Arresto Menor

Good AM... Ask ko po yong advice niyo regarding sa case ko ito po problem ko..

nangunugpahan kami sa isang bahay actually maliit lang siya parang kwarto lang yong inuupahan namin extension lang na kwarto. dahil po sa buntis ako nakiusap kami sa may ari na ipa renovate yong inuupahan namin. kasi bukod sa maliit lang siya ay sira2 pa ang bubong,yong dingding ay yero lang taz butas2 pa yong isang ding2 na kahoy at tuwing nagluluto sila pumapasok yong usok sa kwarto namin dahil yong kusina nila katabi nun kwarto namin kahoy pa nman yong ginagamit nila pag nagluluto kaya para kaming tinapay na nsa pugon.

nag usap kami ng may ari na iparenovate namin yong uupahan namin at babayaran daw nila kami sa aming pinagawa pag aalis na daw kami kumbaga para lang namin silang pinahiram ng pera pampagawa ng bahay at medyo laki lakihan namin konti kasi medyo maliit. ang ginawa namin yung tama lang me kwarto,me maliit na cr,at kusina na pwede magluto at kumain.

pumayag naman sila sa pagparenovate namin ang usapan lang kung aalis na daw kami bigyan daw namin sila ng 1 to 2 mos na advance info na aalis kmi para makahanap daw sila ng pera para bayaran yong pinagawa namin. di namin ipinakaltas yong buwanan naming bayarin sa bahay dun sa nagastos namin sa pagpagawa kasi nag advance ako ng 5 mos sa kanila.

ito na po ang problema, last nov nagpasabi na kami na aalis o lilipat na kami ng bahay sa january kasi me nakita akong house nd lot na binibenta. eh di parang sign na un na maghanap na sila ng pera para bayaran na yong nagastos namin almost 43k po un lahat. ang sabi nila sa january or february daw kasi magtatapas daw sila din sila ng tubo tamang tama me pera daw sila (2013 eh di ok na po yun.

nang bumalik kami mula sa bakasyon namin sa cebu nong 18 jan 13 nagsabi sila na sa february na lang daw talaga kasi sa katapusan pa ng feb sila magtatapas ng tubo. nd 1 time nagtext yong anak ng me ari ng inupahan namin nagsabi siya na kung pwede sa may 2013 na daw nila bayaran yong pinagawa namin kasi nagamit daw nila ang pera. sa tinext niya parang ako o kami yong nalagay sa alanganin dahil nakapagsabi na ako sa may ari ng bibilhin namin lupa at bahay na sa katapusan kami magdodownload sa kanila.


naging mgulo na po yong usapan kasi pinapalabas na parang kami ang me kasalanan kasi daw nag extend kami ng February kaya ginamit daw nila ang pera,kung nagsabi daw kami na gagamitin namin nong january di sana d na lang nila ginamit ang pera. malaking question mark po un sa amin kasi unang una wala sila sinabi na me pera na sila ng january at february pa nga sila magkakapera dahil sa tubo, pangalawa hindi kami nag extend ng february para lang sa aming kaligayahan nag extend kami dun dahil sabi nila katapusan pa ng february sila makakabayad di naman kmi pwede umalis dun ng ndi pa kami binabayaran kasi wala kami pang dodown sa bibilhin naming bahay.


ito po problem ko ano po pwede kogawin regarding sa case ko. at kung me habol ba ako sa kanila o mabawi ko pa ba yong pera kong pinagawa ng bahay. o incase magpagawa ako ng kasulatan na babarayan nila ako sa may,ano pwede ko gawin sa kanila kung hindi pa uli sila makakabayad sa may kasi sobra na sa 2 buwan yong binigay kong palugit sa kanila ayon sa pinagkasunduan namin na 1 to 2 mos...

kasi sa may na daw sila makakabayad pagka anak nong panganay na babae ng me ari, umalis na po kami dun kasi sobrang gulo na bale aantayin ko na lng po yong may kung makakabayad sila. pahelp naman po

2tamang kasunduan pa help naman po!! Empty Re: tamang kasunduan pa help naman po!! Mon Mar 25, 2013 12:04 am

Ladie


Prision Mayor

tanong ko lang: nagpunta na ba kayo sa barangay upang magkaayos kayo?

3tamang kasunduan pa help naman po!! Empty Re: tamang kasunduan pa help naman po!! Mon Mar 25, 2013 4:10 pm

mrs kho


Arresto Menor

Ladie wrote:tanong ko lang: nagpunta na ba kayo sa barangay upang magkaayos kayo?

hindi pa po kasi maayos naman kami nag usap,, naniniguro lang po kasi ako baka pagdating may di na naman kami mabayaran

4tamang kasunduan pa help naman po!! Empty Re: tamang kasunduan pa help naman po!! Mon Mar 25, 2013 6:01 pm

Ladie


Prision Mayor

mrs kho wrote:
Ladie wrote:tanong ko lang: nagpunta na ba kayo sa barangay upang magkaayos kayo?

hindi pa po kasi maayos naman kami nag usap,, naniniguro lang po kasi ako baka pagdating may di na naman kami mabayaran

eh kung gusto mo ng "assurance" eh di ipa-blotter mo ung napagkasunduan ninyo. Kc paiba-iba ang usapan ninyo... at least may mamamagitan sa inyong dalawa...

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum