Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

walang birth certificate pa advise naman po.

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

nics04


Arresto Menor

ako po ay 24 years old at wala po akong birth certificate kahit saan elementary lang po ang natapos ko.ang sabi po ng nagpalaki sa akin anak daw po ako ng kaibigan nya.hindi po ako nakapagtapos sa kadahilanang walang pera ang nagpalaki sa akin.at limitado lang din po ang alam nya tungkol sa mga magulang ko daw.limang taon na pong patay ang nagpalaki sa akin.ngayon po ay may asawa na ako at magkakaroon na rin ng anak.gamit ko po ang pangalan na pinagamit nila sa akin.wala po akong kahit na anong dukomento.hindi po kami maikasal ng asawa ko dahil wala po akong birth certificate. ano po dapat ko gawin.gusto ko po sana magkaroon ng birth certificate para maayos ko po ang pamilyang mayron na ako.sana po sagutin nyo salamat po.

Ladie


Prision Mayor

magtanong ka sa civil registral's office sa lugar ninyo kung puede kang magparehistro as "late registration" at alam ko minimum fee lang bayad. tanong mo na rin kung anong dokumentong kailangan para duon. Ang alam ko puede kang magrehistro ng birth mo as "late registration"kung wla silang records of birth certificate mo o kaya sa NSO magtanong ka rin. Hindi ka ba nabinyagan o pinabinyagan ng taong kumupkop sa iyo? iyong nagbigay ng pangalan mo? kung meron, puede mong gamitin din iyon para basehan ng "late registration" mo sa birthcertificate mo sa registral's office. Eh sa school, paano ka nakapag-enroll na wlang birth certificate? Kasi nuong ikinasal kami ng asawa ko, wla rin siyang birth certificate kc panahon ng Japanese War, kaya ung baptismal certificate niya ang ginamit namin dokumento para mapa "late registration" siya. Gud luck, at binabati kita sa pagnanais mong makasal ka sa asawa mo !!!

_________________
Hindi ako abogado, itong post ko ay idea lang na baka makatulong sa iyo, okey?



Last edited by Ladie on Sun Mar 17, 2013 11:05 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : nagkabaligtad ang mga words kc pini-paste ko sana... sori.....po...)

nics04


Arresto Menor

Ladie wrote:g kailaKung ano an ng ngan mo para magpa "late registratmagtanong ka sa civil registral's officeluga kailangan mo ng certification sa registral's office of no r ninyo...ion" ka, at alam ko minimum fee lang bayad. Ang alam ko puede kang magrehistro ng birth mo as "late registration"records of birth certificate mo o kaya sa NSO magtanong ka rin. Hindi ka ba nabinyagan o pinabinyagan ng taong kumupkop sa iyo? iyong nagbigay ng pangalan mo? kung meron, puede mong gamitin din iyon para basehan ng "late registration" mo sa birthcertificate mo sa registral's office. Eh sa school, paano ka nakapag-enroll na wlang birth certificate? Kasi nuong ikinasal kami ng asawa ko, wla rin siyang birth certificate kc panahon ng Japanese War, kaya ung baptismal certificate niya ang ginamit namin dokumento para mapa "late registration". Gud luck, at binabati kita sa pagnanais mong makasal ka sa asawa mo !!!

_________________
Hindi ako abogado, itong post ko ay idea lang na baka makatulong sa iyo, okey?




>wala po akong baptismal certificate,at hindi ko rin po natapos ang elementary ko.sariling sikap lang po ang mga alam ko ngayon.ang sa late register po kasi kailangan ng decendants wala po akong kilalang kamaganak.namuhay po akong magisa nang mamatay yung kumupkop sa akin.nakakahiya man pong aminin pero nakapag trabaho ako sa club para mabuhay ang sarili ko.pero iba na po ngayon may sariling pamilya na ako.yun nalang po ang pag asa ko magkaroon ng matinong pamilya.at makumpleto ang pagkatao ko.para po sa magiging anak ko.kung tutuusin po ay maswerte parin ako kahit papaano dahil binigyan ako ng diyos ng mabuting asawa.kasal nalang po ang kulang sa amin.at birth certificate ko po ang problema namin.magkakaroon narin po kami ng anak magsisilang po ako ngayong taon buwan ng june.

nics04


Arresto Menor

tapos po ang mga middle name ng magulang ko daw ay hindi ko po alam dahil yun lang ang pangalan na pinakilala sa akin ng kumupkop sa akin.pangalan at apelyido lang po.hindi ko po alam ang middle name nila.

Ladie


Prision Mayor

Kasi mahirap iyan...eh iyong mga kakilala mo na neighbors kung saan ka pinalaki ng kumupkop saiyo? Hindi pa puede na magbigay ng tulong sa iyo, example, affidavit o ano mang kailangan ng civil registral's o NSO para maregister ka?

Ladie


Prision Mayor

Check mo ang Family Code Title I on Marriage, Chapter 1 re: Requisites of Marriage; Tignan mo rin ang Civil Code Title III on Marriage, Chapter Chapter I on Requisites of Marriage.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum