Sir magandang araw po, meron din po kami nabili na lupa may titolo at halos 10 years na ang nakaraan at natayuan na namin ng bahay. Nais namin ayusin ngayon ang pagpapalipat ng titolo sa aming pangalan kaso nalaman namin na me naka naka-annotate ung mortgage sa titulo as encumbrances. at ang nakalagay na date ng isangla sa bangko ay date of instrument July 3, 1987 at Date of inscription February 4, 1997, ngayon po pina follow up namin sa bangko ang update at naghihintay pa kami ng sagot,.
Ang tanong ko po kung sakali po na ito ay nakasangla, ano po ba ang pwede namin gawin para mabawe man lamang ang nagastos namin?
Kami po ba ay pweding magsampa ng kaso laban sa nagbenta sa amin ng lupa?
Ang ipinagtataka ko po ay kung bakit me titolo silang ibinigay sa amin para mabili namin, maaari po ba na ang titolo na ito at doplecate lang na certified copy ng titulo sa register of deeds at naka-annotate ung mortgage sa titulo as encumbrances?