I just wanted to seek advice po kc meron po akong pinakasalan, sa unang gabi na kinasal kami inamin nya sa akin na pinagsisihan nya decision nya. sinabi nya na mahal nya ung taong nabuntis nya sa province nila at 6 years old na yong anak nya don.
Dati pa po alam ko na na meron syang anak sa province nila, pero sinabi nya na nadisgrasya nya lng yong babae at hindi nya to mahal. Dhil sa nasaktan ako.. nong unang sinabi nya sa akin yn sinabi ko n cge umuwi sya knila at mahirap n magsama kami na iba nman nsa puso nya.Pero napakasakit po eto sa akin.
Ang mister ko po ay seaman, after nong pinauwi ko sya s knila. bago sya sumakay ng barko dumadaan sya dto sa manila at nakakasama ko sya ng minsan 2 or 1 night n lng bago sya umalis.at kung minsan nsa barko sya sinasabi nya sa akin na maghiwalay n nga kami dahil ang mahal nya ung nanay ng anak nya, sobrang sakit po yan sa akin.. pero tiniis ko kasi umaasa ako na mababalik pa ang dati nyang pagtingin sa akin.
Ang pinakahuling alis po nya ay ngkaroon po sya ng kahilingan na magkaroon ng iphone, ang nangyari po ay nangutang kami at sinabi nya padadalhan nya ako ng pera pambayad pero hindi po natupad yon. nkapag bigay lng po sya sa akin ng 400 US dollar na ang katumbas na halaga sa peso ay 16,000.
Sa ngaun po mahigit na kaming isang taon na kasal at nkadalawang sampa na sya sa barko na wla po akong financial support n natanggap.
Sa kasalukuyan po ay nandito sya ngaun sa pinas, isang buwan na po syang dumating at wala po ako natanggap khit txt man lang. at meron pong nakapgsabi na mgkasama nga sila ngaun ng babae na nanay ng anak nya.
Sa palagay nyo po may laban po ba ako pag idemanda ko sya.
gaano po kabilis ma issue ung warrant of arrest?
thanks in advance po sa advises nyo.
more power..
god bless