Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

SUBPOENA

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1SUBPOENA Empty SUBPOENA Sun Aug 01, 2010 4:27 pm

jonas


Arresto Menor

Magandang hapon po. Atty may problema po akong malaki. Yun kasing manugang ng kaibigan ko ay ginamit ang pangalan ko sa negosyo nya, in other words ginamit nya akong DUMMY sa negosyo nya na gasoline station, ako ang pumirma sa Retail Dealership Agreement at lahat ng documents ng station, kumuha din ako ng DTI at nasa pangalan ko rin syempre anf business permit. Pero kahit kailan ay hindi ako nakaharap ng mga taga head office ng gasoline station at hindi nila ako kakilala personally or in person dahil lahat ng documents ay ipinadala lang thru sa manugang ng friend ko. Sa loob ng kulang 2 taon tumakbo ang gasolinahan, lingid sa alam ko malaki na pala ang pagkakautang ng manugang ng friend ko sa station umabot sya ng 4M, umalis sya ng bansa dahil natatakot sa konsenkwensya ng ginawa nya pero nagsabi sya na huhulugan ang istasyon sa katunayan nagpadala sya ng mga proposal kung paano sa kaya nya ay huhulugan ang utang nya sa istasyon, dahil bata pa at may pamilya natakot sya ng hindi pumayag ang opisina at ipinasya nya nga na umalis ng bansa. Dahil dito nagulat ako ng padalhan ako ng demand letter ng company at ako daw ay liable dahil sa akin nakapangalan ang station, gayong kahit kelan ay hindi ako nakialam o pumunta man lang sa negosyong iyo, bukod sa pangalan ko lang ang ginamit nya, wala kahit singko akong napala dun. Ano ngayon ang pwede kong gawin dahil nakatanggap na ako ng SUBPOENA dahil nga hindi na nila makontak yung totoong may utang sa kanila at ayaw umuwi ng bansa, pero willing naman syang magbayad ng hulugan.

Please ATTY sana matulungan nyo ako at ayoko hong masira ang buhay ko dahil sa pagtulong sa taong hindi ko naman halos kakilala.

Salamat ho.

2SUBPOENA Empty Re: SUBPOENA Mon Aug 02, 2010 12:54 pm

distressedLady

distressedLady
Arresto Menor

Hi,

gusto ko lang mag comment kasi naawa me sayo and i hope matulungan ka rin nga mga attys. dito....anyway, bakit naman kasi pumayag ka? alam mo mahihirapan ka niyan kasi kahit wala kang natanggap na pera,pero pirma at pangalan mo ang naka lagay, in other words, nung nag ooperate pa ung business, you have all the legal rights to claim the profit,un nga if may profit...and in the first place, bakit ikaw ang ginawang dummy?bakit di ang pangalan niya? dun pa lang sana, nag isip ka na...business is a business jonas, kahit walang kang kasalanan, ikaw ang hahabulin kasi nasayo ang pangalan, ikaw ang magkaka problema, ikaw ang hahanap sa taong nag ka utang sa kanila.... at wise lang yung taong nag patulong sayo..

good luck sayo... may tulong kang makukuha dito..pero they are not online all the time so you have to wait ....

3SUBPOENA Empty SUBPOENA Mon Aug 02, 2010 8:55 pm

zulfikarl


lawyer

Only the two of you know what really happened. The court will decide the case on the basis of the facts established through competent evidence during the trial. From all indications, it appears that you were the one who contracted the said obligations on the basis of your signatures.

The law presumes that every person intends the consequences of his acts. However, this is merely a disputable presumption. The presumption vanishes if you are able to present controverting evidence. My advice is you talk to credible witnesses who can support your claim. Most importantly, hire a good lawyer who can adequately defend you. Else, you can go to the Public Attorney's Office.

If these are all civil cases, what is at stake are mere property rights. If you don't have money to pay it, you won't go to prison for it. Under the 1987 Constitution, no one can be imprisoned for non-payment of debts.

However, if criminal cases (e.g. Estafa) were to be filed, the stake is not mere property rights but your life and limb. That means, you can go to prison if convicted.

Hence, you have to find out if these cases are civil or criminal.

4SUBPOENA Empty Re: SUBPOENA Tue Aug 03, 2010 4:12 am

jonas


Arresto Menor

Thank you, sir,pero sa lahat ng transaction nya at pagkakautang ay cheke nya ang ginagamit nya, so mga cheke nya ang nag bounce, since hindi nga ako nakikialam sa mga transaction nya. At may pinapirmahan ako sa kanya before na parang waiver na gagamitin nya ang name ko pero wala ako pananagutan sa mga transaction nya with the company. Do you this sir this will be of help?

Ibig nyo po bang sabihin i wil be imprisoned kahit wala akong direktang transaksyon sa kanila? sa totoo lang atty hindi nila ako kilala at hindi pa ako nakikita ng mga taga office na yun, at wala akong kahit isang cheke na in-issue sa kanila, so paano po posible na masampahan ako ng estafa?

Thank you

5SUBPOENA Empty Re: SUBPOENA Wed Aug 04, 2010 12:15 am

zulfikarl


lawyer

@Jonas

That means you are so far removed from all the transactions. It appears to me that there is slim chance that you will be charged for Estafa or BP 22 since no check was issued under your name. What you can do now is wait for further developments. For the time being, there is no need to get a lawyer.

You need to be careful about signing documents. Your signature could entangle you to a web of legal complications. I hope you have learned your lessons.

God Bless!

6SUBPOENA Empty Re: SUBPOENA Wed Aug 04, 2010 11:46 pm

wolverine2

wolverine2
lawyer

@Jonas

Matanong ko lang kung paano naman nagkautang yung gasolinahan na nakapangalan sa yo? Anung pruweba o ebidensya meron ang mga nagpautang? May pinirmahan ka bang loan agreement,promissory note o anumang kasunduan ng utang? Hindi naman dahil sa nakapangalan sayo yung gasolinahan e automatic na ikaw na agad ang may utang. Hintayin mo na lang mga susunod na hakbang ng mga nagpautang. Kung matuloy yan na kaso, sila rin lang naman ang magpapatunay na ikaw nga dapat ang magbayad sa utang.

Moral Lesson: Huwag magpakabayani este magpagamit na dummy.



sifone

7SUBPOENA Empty Re: SUBPOENA Thu Aug 05, 2010 1:51 pm

jonas


Arresto Menor

every delivery kasi is PDC ang bayad ang terms of payment ay 1/2 ng invoice ay 2 days ant ang remaining ay 4 days, so tumagal ng tumagal na ganito, lingid nga sa kaalaman ko at dahil hindi naman nga ako nakikialam sa kanya nung panahon pala na nagsusunod sunod ang rollback ay nalulugi na sya ng malaking halaga, nangungutang na sya na halos ang kita ng gasolinahan ay napupunta lang sa mga interest ng loan nya at pati na sa mga bank charges dahil sa overdraft nya, lately talagang hindi na nya kinaya at tumalbog na ang mga cheke nya hanggang sa hindi na napondohan. dahil dito siningil sya ng kompanya sa mga utang nya, dahil nga umalis ng bansa at hindi na nila makontak, ako dahil ako ang ginamit na dummy ang sinisingil nila at ngayon nga ay may subpoena na. ano po ang magandang gawin dito?

Salamat po

8SUBPOENA Empty Re: SUBPOENA Thu Aug 05, 2010 11:08 pm

attyLLL


moderator

if this is a subpoena to a criminal case, your best move is to acquire legal counsel to advise you in preparing a counter affidavit.

i do not believe a bp22 case will prosper if you are not a signatory to the check.

prosecutors don't like filing estafa cases based on bounced checks because it's hard to prove malice aforethought.

gather all transaction docs to show that all transactions were handled by your friend. prove that the gas company only transacted with him and never you.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum