ang asawa ko po nagwowork sa bank, me nag-alok na sumali sya sa isang common fund...every payday naghuhulog sila until dumating yung turn nya para mag-claim wala na maibigay ang may hawak ng fund nila...to make the story short nadispalko po ng 2 employee din ng bank na taga ibang branch na pasimuno ng common fund. more than 3 months na po ngayon pero wala pa din po ibinibigay at everytime na tinatanong kung kelan ibibigay sila pa ang galit at sinasabi mag-antay lang. sa misis ko nasa 48k po aside sa kanya me mga empleyado pa din na me hulog din na aabot lahat sa 200k. ito pong isang empleyado matapang kasi presidente daw po ng union ng banko. ano po pa ang magandang gawin po para masingil nila ito. nakarating na din daw po ito sa mngt ng banko pero wala daw sila hand dito. aside po sa demand letter ano po ang pwede gawin nila kong di pa rin ito magbayad? sana po makakuha po agad kami ng malinaw na sagot, salamat po.