May tanong lang po ako? sana po mabigyan nyo ko ng kasagutan, salamat po.
Isa po akong Van seller sa isang food distribution company. May hawak po akong inventaryo sa van, ang sistema po ng company namin, everyday po akong bumibyahe sa territory ko para po ibenta yung producto ng kumpanya at araw-araw din po akong nag-reremit ng pinagbentahan ko, pag po kailangan ko ng stocks sa truck ko, nag-rerequest po ako sa warehouse at ginagawan po nila ng dokumento, saka po inirerecord sa computer system ng encoder.
Ang problema ko po, nagkaroon po ng audit samin sa kumpanya, binilang po lahat ng laman na stocks ng van ko, tapos lumalabas po sa audit findings na na-short po ako ng mahigit isang milyon na. binigyan naman po nila ako ng time na mag-recon ng mga shortages ko, ang problema ko pa po, hindi ko na makita yung mga dokumento ko na katunayan na naikarga ko po lahat ng stocks na nakalagay sa recon template ko, sa record po kasi nila sa computer, sa akin po naikarga yung mga stocks, pero nawala din po nila yung hard copy po nila na katunayan na ako po talaga ang nag-karga nun. may karapatan po ba sila na idemanda po ako ng qualified theft kung wala naman po sila maipakita sakin na dokumento na ako po talaga ang nagkarga nung stocks sa van ko? kahit po sabihin nila na nakinabang po ako dun, hindi naman po nila kayang patunayan kasi po wala na yung mga dokumento nila at hindi ko din naman ibibigay yung mga dokumento ko. makakalusot po ba ako sa ganung argumento. kasi po sa ngayon, naka-hold na po yung salary ko at anytime po ay magbibigay na po sila ng suspensyon sakin. ano po ang pwede ko ilaban dun? gusto ko na din kasi mag-resign sa kumpanya pero magkakaroon kasi ko ng kaso sa kanila at baka idaan nila sa legal. gusto ko lang po malaman karapatan ko kung may laban po ba ako sa ikakaso nila.
Maraming salamat po.