Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need an Advice on what to do...

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Need an Advice on what to do... Empty Need an Advice on what to do... Mon Mar 11, 2013 5:45 pm

PISCEAN


Arresto Menor

Hi everyone!
Please comment on this:

May pinapaupahan po akong bahay na may 7 tenants. Recently lang may 3 tenants na nawalan ng gamit -- 2 cellphones at 1 digicam. Tinanong ko po ang aking mga tenant kung ano ang opinyon nila sa kung papaano nawala. Maaaring nakuha daw mula sa bintana yung mga cellphone dahil malapit sa bintana ang bag na pinaglagyan ng mga cellphones. Ang karamihan naman ay nagsasabing inside job ito. Nag conduct po kmi ng imbestigasyon. Sinubukan ko pong abutin mula sa labas ang kinalalagyan ng bag sa pamamagitan ng paglusot ng aking kamay sa bintana at imposible po ito. At isa pa, wala namang nakakaalam na may bag sa ilalim nag bintana kundi sila-sila lang. Bukod dito, yung digicam na nawala ay nasa isang kwarto na walang bintana kaya imposibleng nasa labas ang kumuha nito, dahil kailangan mo munang pumasok sa loob na bahay at buksan ang pinto ng kwarto bago mo makuha ang mga gamit doon, kaya naman lalung tumindi ang hinala namin na isa sa mga tenant lang ang kumuha ng mga gamit. Kinausap ko po isa-isa ang aking mga tenants at halos lahat sila ay pare-pareho ang pinaghihinalaan. Ang totoo, isa rin sa nawalan "daw" ang kanilang pinaghihinalaan. Mula sa mga scenario na nakalap ko mula sa pag iimbestiga, malaki nga ang posibilidad na yung taong primary suspect nila ang kumuha ng mga gamit. Sobrang inconsistent ng mga pagsasalaysay nya ng pangyayari at habang tinatanong ko sya ay parang kinakabahan at malikot ang mata na senyales ng pagsisinungaling. Hndi nagtutugma ang mga sinsabi nya sa mga sinasabi ng ibang tenants. Alam na alam din nya ang schedule nag pag pasok at pag labas mula sa trabaho ng mga kasama nya sa bahay.
Napansin din ng mga tenants na parang hndi na ito pumapasok sa trabaho at laging nsa bahay lang. Sa totoo ang nabanggit na tenant ay hndi pa nakakabayad ng 2 buwang renta at puro alibis lang nag nakukuha ko mula sa paniningil ko. Gusto ko na nga sya paalisin dahil bukod sa hindi pa nakakabayad e may issue pa ng pangunguha ng gamit at pagkain sa ibang tenants Ano po ba ang dapat kong gawin? Maari po ba magpagawa ng pulis report gayong hindi naman nahuli sa akto ng pangunguha? At paano po sya masisingil sa hndi pa nababayarang renta gayong puro excuses ito..pero magbabayad naman daw sya..Pinangangambahan pa naming hindi na ito magpakita dahil umuwi ito sa kanilang probinsya sa batangas. At kung sakaling bumalik sa pinapaupahang bahay, paano po ito kukomprontahin?

Salamat po in advance sa mga payong matatanggap ko.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum