Good morning po atty. sana po matulong nyo po ako to what to. As parati na lang po nabibigyan pansin about RA 9262. Paano naman po sa part ng mga husband at anak din po na maabuso rin ng wife and as mother. Is there any law rin po? Isa po akong tatay atty, sa pagmamahal ko sa asawa lahat po naisakripisyo ko. Last year nabankrupt po ako and for last 6 months kahit jobless ako still im performing as padre de pamilya. as in lahat ng expenses sa pamamahay ako talaga nagashoulder even to the last centavo till such time nagpumilit magtrabaho ang wife ko sa udyok at tulong ng byanan ko at ninang namin na so happen may mga position sa government office na kung saan Nagawork ang wife ko ngaun. November, last yr naging stable ang work ng misis ko, kung tutuusin in her position right now kahit di rin ako maghanapbuhay cguro ay subra-subra na sa amin at sa dalawa namin anak ang salary nya pero ni minsan po di namin natikman ang sweldo nya at never po ako nagsalita sa kanya or nagtanong ng sweldo nya. Pag meron mga dues/bills na di ko agad nababayaran dahil limited lang minsan kinikita ko ay ako parin lumalabas na iresponsabli. Until such time po (January) nadiscover ko lahat pala ng kinikita nya inuubos lang nilang mag ina when our eldest son ay di ko mailabas sa ospital. Since that day po atty di umuwi ng bahay ang wife ko , almost 3 months na without any single word from her. Both calls and txts di nya sinasagot every time mag reach out mga anak nya. Atty sakop po ba ng Ra7610 ang pag abanduna ng wife ko sa amin ng mga bata? Ano pong kaso sa part ng family code ang pwd kong ihabla against her sa pag ignored nya ng mga right ko as husband dahil di naman po ako nagkulang sa kanya sa lahat ng bagay. Sinubukan ko rin po lumapit sa Dswd(city level) pero wala pong nangyari dahil nga po director dswd region ung ninang namin na boss ng wife ko at dept. head naman ung byanan ko na babae doon. meron din po ba ako pwding ihabla sa byanan ko sa kakaudyok sa wife ko na iwanan na lang ako? Sana po matulungan nyo ako atty.