Good day Attorney.. Hihingi po sana ako ng advise about my problem..Last January po kc this year, may hiniram po akong shades sa kapit-bahay ko na pulis.. Ang tatak niya po ay rayban,binili niya po eto sa halagang 300 pesos sa jeep.. Ayon sa kanya ito ay original.. Kaya lng ito po ay nawala at hindi ko na mahanap.. Kinausap ko po siya at sinabi ko na papalitan ko.. Ang sabi niya palitan ko daw iyon ng original na rayban..Nakiusap ako na bigyan niya ako ng sapat na panahon.. After a month ginugulo na niya ako at pilit ipinapapalit ang shades na nawala ko.. Ang ginawa ko ay pinalitan ko eto ng D&G shades pero ibinalik at ayaw niyang tanggapin.. Nagpunta ako sa barangay para magtanong kung ano pwde kong gawin. Pinagharap kame at ayaw tlg niya makipg settle ng maayos. Ayon sa kanya, ako ay pwde niyang kasuhan ng estafa. Kahit alam ko na hindi ko tinatalikuran ang aking naging pagkakamali.. Pero ang gusto niya ay palitan ko ito ng original brand new rayban shades.. At kung hindi ay kakasuhan daw po ako ng estafa.. Ano po ang pwede kong gawin? Hoping for your response.. Thank you and GodBless..
Free Legal Advice Philippines