mangyari po kasi na ang pinsan ko ay inabangan at binugbog ng 3 katao, at habang pinagpasapasahan syang bugbugin at tangkang sasaksakin n ng 1 s mga nangbubugbog ay natapik nya at nakuha ang patalim na dapat ay gagamitin sa kanya at nangyari nga po na siya ang nakasaksak sa 1 s mga salbahe,lumalabas naman po na self defense lang ang ginawa ng pinsan ko.nakalabas na po ng ospital ang nasaksak at maayos na ang kalagayan,at hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nagsasampa ng ano mang kaso tungkol sa nangyari,nakipagugnayan na din po ang tita ko sa mga pulis para din po mabigyan ng proteksiyon ang pinsan ko dahil kalat na din ang balita na gagantihan daw ng mga ito ang pinsan ko.ang payo pa nga po ng mga pulis na makipagusap at makipagintindihan na lng daw po ang panig namin sa pamilya ng nasaksak,ganun nga po ang ginawa ng tita ko,nung unang paguusap ay pumayag na po ang ina at parang ang gusto na lng sabihin ay pababayadan na lng ang gastos sa ospital dahil mahirap na pamilya lamang sila at ang asawa nya ay nasa ospital din,subalit nung pangalawang beses na makikipagusap ulit ang tita ko sa nanay ay nandun ang ama at sinabing wag ng pupunta dun para makipagusap at sa munisipyo na lng daw magkitakita.sana po ay may mkapagbigay ng suhestiyon samin kung ano po ang mas nararapat na hakbang ang gawin namin,mahirap lang din po ang tita ko at natatakot na madiin sa kaso ang pinsan ko kung meron man lalo pa at ito ay menor de edad.