Good PM po isa po akong retiree one year na po meron po akong officemate na nang hiram sa akin ng pera last August 2009, hiningan ko po siya ng cheke post dated po para ihuhulog ko na lang sa account ko yong check at ang sabi ko na interesan yong utang at nangako po na babayaran ako nung Dec 2009. Pero hangang ngayon po hindi pa po niya nababayaran ang kanyang utang ang ginagawa lang po niya hulugan ng interest ang kanyang utang. 3% po ang interest at ang kanyang utang niya 50k e dahil po ako ay nagpapagawa ng bahay mula sa aking retirement e ngayon po talagang kailangan ko na po ang aking pera kaso puro lang po pangako ang ginagawa niya hangang nitong august 10 ang sabi niya sa txt na pagbigyan ko hangang friday at may iniintay daw siyang pero kaya inakala ko po na na pondohan na niya yong account niya nung August 13 friday kaya deposit ko na po yong kasi po ala na akon pambili ng materiales sa pinagagawa kong bahay. 1sang taon na po yong utang niya at d niya ako masisisi dahil lagi ko siyang sinasabihan na pondohan na niya at ide deposit ko na pero lagi siyang naki kiusap pero nitong huli na ang sabi nga niya na hangang friday ayon dineposit ko kaso nag bouce po yong cheke hangang ngayon ala siyang sinasabi tungkol sa cheke na nag bounce ngayon po ang tanong ko ano po ba ang legal action na puede kong gawin tungkol sa bouncing check at puede ko rin ba siyang ireklamo sa umbudsman?
Last edited by sansui on Wed Aug 25, 2010 3:32 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : maraming maling spelling at grammar)