lumipas ang panahon, nakiusap po ang kapatid ko na me hawak ng attorney in fact na tayuan ng maliit na building ang lupa,at gawin nyang negosyo. at pumayag naman kami dahil kapatid namin at humingi ng tulong pero verbal lang po ang usapan. at nangako sya na kapag nabawi na nya ang pinatayo nyang building na pinaupahan... ay hahatiin nya sa aming magkakapatid ang susunod na mga kita. nakakaenganyo po pakinggan. lumipas po ang isang dekada, alam po namin na nabawi na nya ang ginasta nya, matagal na. pero hangga ngayon po ay sinasarili pa din nya ang kita. hindi nya po ibinibigay sa amin ang kita. pinepressure po namin sya na ibigay na sa magkakapatid ang kita or tanggalin na lang nya ang establishment na itinayo nya.hindi na po sya nagpapakita instead direct deposit po sa bank nya ang kita sa rent. ngayon po, nabalitaan na lang namin na balak nyang i-renovate ang building at gagawin namang apartment. at ganun din po ang sabi nya tulad nung una... na matapos nya mabawi ang ginasta nya ay ibibigay na sa amin ang kita.
ang tanong ko po.. apwede po bang ang attorney in fact lang ay magkaron ng authority na magtayo at magdecide sa sarili na magtayo ng establishment? ano po ang mga pwedeng ikaso sa mga ganitong sitwasyon? kung sakali po na i-renovate nya ang establishment, pwede ko bang ipatigil yun? ano amga dapat kong gawin , dahil kawawa po ang iba kong kapatid dahil mahihirap din sila. salamat po. sana ay matulungan nyo ako.