Good day!
Gusto ko po sana mag-seek ng advice re: changing of last name. Ang last name po ng Daddy ko ay Morales - pero mula ng nalaman ng Lola ko na may unang asawa pala ang Lolo, hindi na sila ulit nagkita. Nung lumaki po ang Daddy ko at nagka-girlfriend (Mommy ko na po ngayon), pinalitan nya ang Family name nya to Carlos (last name po ng namatay na unang asawa ng Lola ko) dahil nahihiya sya na galing sya sa broken family. Noon daw po ay affidavit lang kaya napalitan agad ng Daddy ko ang last name nya. Ang questions ko po ay;
1. Valid po ba ang affidavit na ginawa ng Daddy ko to change his last name?
2. Kami pong mga anak nya, pwede po ba namin gamitin ang original last name ng Daddy ko?
3. Ano pong mga hakbang ang gagawin namin in case na possible po ito?
Patay na po ang Tatay ng Daddy ko at nakalagay po name ng Tatay nya sa birth - in case po na gusto nyong malaman.
Thank you po.
Regards,
Lesley