Ganito po kasi ang nangyari, nag invest kami ng girlfriend ko sa isang shop(gadget, tablet) ng 200k at nag kasundo naman kami ng supplier/reseller na babayaran kami ng 15% interest kada buwan for 1year. may mga kasulatan naman kaming pinirmahan at nag issue siya ng mga postdated check.
nung unang check pa lang nagkaproblema na agad. tumalbog yung check, pero sabi ng supplier/reseller babayaran kami ng cash. nabayaran naman kami ng cash na worth 30k kada buwan para sa buwan ng august, september, october at november. pag dating po ng december wala na. hindi na sila naka pagbayad sa amin, inantay ko po yun at nagsabi sila na babayaran naman kami at na delay lang din daw po sila. at hangang ngayon february hindi pa din sila nakakabigay. nakapag usap na kami ng supplier/reseller na ibibigay na daw nila ng buo yung investment namin kasama yung hindi nila nabayaran na 60k para sa buwan ng december at january plus 230k para sa february. ngunit hangang ngayon po wala pa din kami natatangap. lagi na po sila nag dadahilan ng kung ano-ano. ano po ba ang magandang gawin para ma obliga sila magbayad ng obligasyon nila?
maraming salamat po,