May karapatan po ba ko na kunin ang anak ko sa poder ng tatay nya since illegitimate child sya. pero inacknowledge naman sya nito at gustong palitan ang apelyido ng anak ko without my consent. nalaman ko lang ito dahil sa kapatid ng ama nya. Actually kinuha lang sya sa poder ko nung nag abroad ako at mama ko ang nag aalaga. dahil sa nagkasakit ang bata at medyo tarantahin ang mama ko ipinaalam nya sa tatay at kinuha nila at hiniram at ipapagamot na din hangang sa hini na nila binalik sa mama ko. nung nalaman ko yun kinausap ko yung tatay at sinabi ko since hindi mo na binalik ang bata lahat ng responsibilidad at panagngailangan nya eh ikaw ang gagastos. which is yun ang nangyari. hangang sa tumagal unti unti na nawala komunikasyon namin at lumayo na ang loob ng anak ko sakin.
ngayon gusto ko sya kunin at dahil andito ako sa ibang bansa. may karapatan po ba ako. since ang tatay nya ay seaman at nasa ibang bansa din at yung anak ko eh pinapaalagaan sa poder ng asawa nya at nanay nya. Sino ang mas matimbang na mag aalaga yung asawa nya at nanay nya o ako pero isasama ko sa ibang bansa or sa mother ko sa pilipinas na mas kadugo nya.
please i need an advice as soon as possible kasi po uuwi ako ng pinas this coming march 2013. para alam ko yung mga hakbang na gagawin ko
thank you