hi good afternoon po, meron po kasi kaming kaibigan, niyaya nya kaming mag-asawa na mag-invest sa personal lending business nya, so parang ang role po namin is financer, sa sobrang tiwala and friend namin sya ng matagal na pumayag kami kahit walang kasulatan. okey naman, bumabalik naman sa amin and pag kailangan naman namin kumuha dun sa binigay namin sa kanya naibibigay naman nya kaya no doubt talaga kami. in fact tumagal ang transaction namin sa kanya for a year, ang ginagawa nya po kasi, sasabihin nya lang sa amin na may borrower sya (pero di namin kilala) then kailangan ganitong amount, i-leless na namin yung interest then ibibigay na sa kanya yung money, after two weeks tsaka maibabalik samin. then kapag dumating yung due date, sasabihin nya meron ulit manghihiram, so kami syempre kita yon kasi continous. hanggang sa lahat ng pera namin ininvest na namin sa kanya up to the point na halos wala ng matira sa amin. i know mali kami pero pag naiisip naming mag-asawa na pag matetengga lang sa bank yung pera nanghihinayang kami kasi sa napapaikot pa. at marami kaming sinusoportahan sa pamilya kaya extra income namin yon. one time, tumawag sya sa akin at sinabi nya na wala na daw yung pera namin, nagulat kami kasi marami pa kami ineexpect na dues pero lahat pala yon wala na. halos gumuho kaming mag-asawa dahil walang natira sa amin, bukod pa don todo ang pagtitipid namin sa lahat ng bagay para maka-ipon. umabot sa lagpas 1,200,000.00 ang nakuha nya sa amin. opo tama po lagpas isang milyon. at ngayon iniwanan nya kami na walang-wala. kinausap namin sya, wala pa daw syang pera pambayad, nag-issue sya sa main ng check at lahat yung tumalbog dahil account closed na. may pn din sya sa amin ngayon kaso di naman nasusunod dahil wala pa rin syang naaabot. ngayon po ano po ang gagawin namin ayaw nya napo magparamdam. pero alam naman po namin ang bahay nya. wala naman daw syang planong takasan kami kaso wala daw talaga syang perang pambayad at properties. ang gusto kolang po kasi kung di man sya makabayad, makasuhan man lang sya or mabigyan ng liksyon para makabawi kami sa ginawa nyang panloloko sa amin. kaso gusto ko mang gawin you wala naman kaming pera na pambayad sa atty at pang-file ng kaso. pano po ba nag dapat naming gawin? salamat po. we will appreciate any answers/suggestions na maibibigay nyo sa amin dahil sobrang stress na ang inaabot namin sa kakaisip. salamat po ulit..