May nafile na po na kaso pero hindi na serve ang warrant dahil lumipad po ng ibang bansa yung kinasuhan. Ex ko po yung kinasuhan ko,hindi kami kasal, may anak kami pero wala po sya kahit ilan, kahit kailan na ano man lang naibigay sa bata. Naging emotionally and physicaly abusive din sya sa akin. May pirma po sya sa birth certificate ng bata. Abandonment and economic abuse ang kaso. Alam ko po kung saan sya sa ibang bansa. May magagawa po ba para mapabalik sya sa pinas at maharap ang kaso?
Salamat