wedding namin last year at nag hire kami ng photographer kasama na ang video coverage. nag agree kami sa 35K pero wala kaming contract at wala rin kaming resibo na nakuha sa kanila. nagtiwala naman kami since nakita namin existing ang shop nila. nabigyan naman kami ng serbisyo simula ng prenuptial photo hanggang sa araw ng kasal. may nakuha na rin kaming raw pictures at prenup album (di pa final) pero binalik namin yun dahil may ipapabago kami. actually, 1K na lang balanse namin sa kanila at babayaran ko na sana yung balanse para makuha ko na yung items pero dine delay na ako ng supplier hanggang hindi ko na ma contact. ang tanging pinanghahawakan lang namin na dokumento ay ang kanyang note na nagsasaad na nabayaran na namin yung ganitong amount at kung ilan na lang ang balanse. di ko pa po nababalikan ang shop dahil madalas kaming mag meet lang sa labas at ang sabi pa ng kausap ko wala na raw yung shop nila. humihingi po ako ng payo kung anong pwedeng gawin at reklamo sa kanila.
maraming salamat!