Gud day! hihingi lang ako ng advice, seaman ang asawa ko, at matgal na kaming hiwalay,, kapag on borad siya meron may allotment kaming natatanggap sakanya, pero sa ngayon na nakababa siya wala na siyang binibigay sa mga bata. Tinanung ko siya kung saan ng ang allowance ng mga bta,, sabi niya "anung Allowannce?, wala na kong pera" samantalang kababa lamang niya sa barko nun. Hanggat sa nalamn ko na binabahay na pala niya ang babae niya at ngayo'y nagtatayo pa ng tindahan... Anu po ba pwede ko ikaso sakanya? Gusto ko sana ikaso sakanya ang Non-support of Children,, pwede ko po ba yun ikaso sakanya, ang contention kasi ng pamilya ng damuho kong aswa eh, hindi aman pinabayaan ang mga bata kapag nakasakay siya at kapag nagkakasakit siya naman daw ang gumugastos. Panu naman ang pang-araw -araw na gastusin.
Free Legal Advice Philippines