ang lola namin twice nag asawa, yung una nyang asawa Francisco na namatay, then ung lolo namin Jalea yung pangalawa. tatlo yung anak nya sa una nyang asawa then tatlo din sa pangalawa.
namatay yung lolo ko nung 1986. may nakuhang pera ang lola ko sa company kung saan sya nagtrabaho dati at sa sss bilang benefits. tinulungan ng tatay ko yung lola na makapagpatayo ng bahay para may matirahan ito sa isang squatters area kung saan din kami nakatira at si nanay ko naman ang tumutulong sa lola habang si tatay ay nagtatrabaho abroad.
bago mamatay ang lola namin, isinanla nya yung bahay kung saan sya nakatira at tinubos naman ito ng nanay namin.
ang tanong ko lang po is may karapatan po ba ang mga anak nya na Francisco dun sa bahay na ipinatayo para sa lola ko na ang ginamit na pera eh yung pera ng lolo ko? may habol po ba kami since nanay naman po namin ang tumubos ng bahay?