Meron akong naging salary loan na 40K with a bank, kaya lang nawalan ako ng work kaya hindi ko nabayaran. twice na akong nakareceive ng demand letter via email at right now yung 40K eh nasa 60K na. wala po akong work sa ngayon pero patuloy pa rin naman akong naghahanap. natatakot po ako na magkaroon ng kaso.. willing naman po akong bayaran kaya sobrang naghahanap ako ng work...
tanong ko lang po, halimbawa na dahil sa mga interest at kung ano ano pang charges eh umabot ng 100k yung originally eh 40k lang na loan, makakasuhan na po ba ako ng criminal or civil case? may posibilidad po kaya na humantong yun sa pagkakaroon ko nang warrant of arrest?
maraming salamat po at sana ay matulungan nyo ako sa problema ko dahil wala po talaga akong alam pagdating sa mga legal matters.