Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Owner na dinidiktahan ng buyer

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Owner na dinidiktahan ng buyer Empty Owner na dinidiktahan ng buyer Wed Jan 30, 2013 1:13 am

gerwin


Arresto Menor

Magandang araw po,

Nasa akin ang titulo ng benebentang bahay nmin.

Ang bahay po namin ay tinitiran na po ng buyer nmin kahit wala pang titulo sa kanya. Nagkasundo kaming magkaliwaan sakaling nakuha ko na ang titulo. Nagkasundo kami sa halagang 200,000 pero nag condisyun ako na hanggang katapusan lang ng taon 2012. Nung Nov 2012 lang po ako nagcondisyun ng ganun dahil nakuha ko n po ang title nmin. Pag dating ng January gagawin ko n po syang 300,000. Ginawa ko po eto para mag pursige cla mag bayad sa amin.

Jan 29, nag usap kami ng buyer na ayaw nya mag bayad ng 300,000 since hindi pa nalilipat pangalan nya sa kanya. Ang totoo po 150,000 lang po ang balance nila pero nag asikaso po ako sa Assessment value ng bahay. Isa po eto sa requirement na hinigi sa akin para makuha ko ang titulo nmin. Yung bayad sa assesment ay inutang ko po kasi indi nman cla nagpapadala ng pera sa kapatid nila. nagkasundo din po kami ng kapatid nya dito sa pinas na maghati kami sa pagbayad ng assesment value ng bahay. Ang buyer po nmin ay nasa italy pero ang kapatid nya ang nakikipag cooordinate sa amin. Kaya gumawa po ako ng paraan para makabayad sa assesment value ng bahay. Kaya umabot po ng 200,000 ang sisingilin ko sa kanila. Indi po kami nag kasundo sa halagang gusto nya ibayad. Ang gusto nya 200,000 lang ang ibabayad nya sa akin. Indi po ako pumayag kc masyado n pong late para ngayun lang nya ako kausapin. hanggang napagkasundo po nmin ibenta n lang ang bahay. Gusto nya ibenta sa halagang 2MM ang bahay. Pero sabi ng kapatid nya sa pinas mukhang indi aabot ng 2MM ang bahay.

Bank fianance po ang bahay nmin at matagal na namin indi nabayran sa bangko(since 2003). Kursunada nila ang bahay nmin kaya nagbayad po cla ng 1MM++ sa bangko. Pinagawa din nila yung bahay na yun kc napabayaan na rin namin. Alam nila ang kundisyon ng bahay bago pa nila bilin to.

Gusto ko po malaman kung may karapatan ba syang diktahan ako kung magkano nya gusto ibenta ang bahay nmin? Ako po ba ay may laban since nasa akin po ang titulo ng bahay. Gusto ko po sana ibenta ang bahay at wag n lang sya bayaran sa nagastus po nya.

O bayaran ko po sya depende po kung magkano ang assesment sa pagbenta ng bahay nmin.

Wala po kaming written agreement puro verbal lang po. May pinirmahan po ako sa kanilang mga kasunduan pero sa tingin ko po ay VOID kc year 2010 pa iyon at sa lahat ng papel na pinirmahan ko may nakasaad na TITLE NO na naka-blank po. Indi po nila alam ang title no ng bahay dahil ngaun lang po nerelease ang titulo.

Ano pong pwede kong gawin?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum