To make the story short.
Nagkaron ng kabit ang asawa ko (babae) noong Sept. 2011 hanggang May 2012.
May mga ebidensya ako sa usapan nila sa FB at may picture ako na magkatabi sila, at kasama ang pamilya ng lalake sa isang outing.
Naging kasabwat din asawa ko ang kanyang pamangkin na babae sa pakikipagkita sa kabit ng asawa ko. Nung una hindi alam ng lalake na may pamilya ang asawa ko, at pinakilala ng asawa ko ang pamangkin nya ng babae para maniwala yung kabit na single ang asawa ko. Di nagtagal nagustuhan ng pamangkin ng asawa ko yung kabit at siniraan ng pamangkin nya ang asawa ko. Binigyan ng pamangkin ng asawa ko yung kabit ng family picture namin para mapaniwala yung kabit na meron ng pamilya ang asawa ko. At di nag tagal, nag take advantage na yung lalake sa asawa ko. Na kahit na alam na nya na may asawa ay nakikipagkita pa rin yung lalake sa asawa ko, habang GF ng kabit ng asawa ko ang pamangkin ng asawa ko.
Ang nangyari ay tinuhog ng lalake ang mag tiyahin. Until now ay gf pa rin ng lalake yung pamangkin ng asawa ko.
Pwede kong kasuhan ang asawa ko ng Bigamy, Tama po ba?
Sa kabit is Infidelity?
Sa pamangkin na naging kasabwat, accessory lang po ba?
Sana po ay matulungan nyo po ako.
Maraming salamat.