Naging tapat ako sa kanya at namuhay kami bilang magasawa kasama ung dalawa nyang anak na tinuring ko naman mga akin din.
Buong sweldo ko ay nasa kanya at binibigyan lang ako ng allowance. tumagal ito nang anim na taon. Syempre, nagigipit kami sa pera kaya madalas un ang mitsa ng pagaaway namin. May trabaho din sya na halos kikita kami ng 40k sa loob ng isang buwan pagpinagsama namin ang sweldo namin. Ung partner ko ang humahawak ng pera namin. Siya din bumibili pangangailangan namin.
Hindi ko sya maalok ng kasal kasi wala ako pera. nasa kanya kasi. At sa tuwing nagkakapera ako ng extra, ay binibigay ko din sa kanya. ito sitwasyun namin sa loob ng anim na taun.
Hangang sa nahuli ko syang may katext, nag ilove yuhan na sila nung ka text nya. ganun din ung guy. kasama nya sa trabaho. BInata ung guy. may kaya sabi nya.
Nasira samahan namin. umalis ako sa bahay kasi ayaw ko na makita na ganun ginagawa ng live-in partner ko.
MAY KARAPATAN BA AKONG MAGREKLAMO. AT ANO ANG REKLAMO KO?