Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Ang Martyr na Baliw ang Asawa... Pinagpaguran sa Abroad mga relatives ang nagpasasa

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

angelrod70


Arresto Menor

Good Day Everyone!

I’m just new in this forum, at nagpapasalamat ako at may natagpuan akong ganitong klaseng website.

Matagal ko na kasing dinadala ang problema ko almost 8 years na. Hayaan nyong ilahad ko muna kung ano ang nangyari sa buhay ko. 2001 nag start ako mag work dito sa Saudi dahil yong mrs. ko nagkasakit ng schizophrenia (pagkabaliw) at di ko kayang tustusan ang pagpapagamot nya every month so iniwan ko sya sa pangangalaga ng mga kapatid nya at sa biyenan ko sa probinsya namin sa Bicol. Every month nagpapadala ako ng pera sa asawa 50K at diretso sa account nya.
On my 2nd vacation nakabili ako ng lot na almost 500 sq meter. And after almost 4 years nag decide ako na mag for-good sa job ko dito sa Saudi Arabia dahil na rin sa kagustuhan ng asawa ko. Ang sabi nya may ipon na din naman daw kami at may lupa na at saka nalaman ko sa brod nya na bumabalik na naman pala ang sakit nya kasi bihira na sya mag take ng gamot (maintenance) nya dahil sabi napapagod na daw sa kakainum. At ang sabi pa ng kapatid nya sa akin wag ko daw sundin ang sister nya wag daw ako mag resign sa job ko kasi sayang, kaya naman daw nilang magkakapatid na alagaan. Pero dahil na rin sa kakulitan ng Mrs. ko at sa awa ko at pag-aalala nag decide ako mag resign. But before ako umuwi nag apply ako sa ibang ad agency dito just in case na maisipan ko bumalik may mababalikan ako. So October 2004 ako umuwi at nakita ko nagpapa-ayos ng bahay ang byenan ko at sa tantiya ko aabot na ng 1million ang gastos nila sa renovation, 1st week ko sa probinsya nagpapatrabaho pa sila at after natapos ang month of october natapos na din pagpapagawa, pero di pa tapos ang bahay nasa 2nd floor na ang naiwan.

In terms of our relationship ng asawa ko ok naman kami at dahil wala akong work ako ang taga hatid sundo nya sa work at kumuha ako ng hulugan na motor para pang service, hanggan sa lumipas ang isang buwan, nag umpisa ng may napansin akong kakaiba sa kanya andun na pag umuuwi ako ng gabi galing sa labas may naka sindi ng kandila sa picture frame kung saan andun ang mukha ko, minsan naman yong mga niluluto kung pagkain namin tinatapon nya dahil may lason daw. Pero nakikita nya naman na kinakain ko. So lahat yon tiniis ko hanggan sa naisip ko na bumabalik na naman ang sakit nya at nalaman ko na hindi na sya umiinom ng gamot. So napilit ko syang uminum pero huli na dahil mas lumala na ang sitwasyon nya dahil kahit sa school, sa work nya nag titirik na rin sya ng kandila at kung ano ano na ang lessons nya sa mga bata. Hanggang nag decide ako na kailangan ko sya madala sa manila, so kinausap ko sya na kailangan naming mag withdraw ng malaki sa bangko, sa account nya (dahil ako walang account pero sya 3 bank account ang hinuhulugan ko ng remittance) lahat ng pera namin nasa account nya dahil tiwala ako. Sabi ko gawin nya ng 300K para makapamili na din ako ng mga gamit para makapag umpisa na din ako sa balak kung business. Subalit ang naging tugon nya sa akin ang nagpaguho ng mundo ko dahil ang sabi nya “saan daw sya kukuha ng ganoon kalaking halaga”. So tinanung ko sya kung saan nya dinala ang pera na pinapadala ko di sya makasagot.

Hanggan sa lumipas ang araw ayaw nya sabihin sa akin kung nasaan, so ginawa ko nag bakasakali ako sa bangko na mag verify kung talagang totoo. Sa umpisa ayaw ng bangko na magbigay ng bank statement sa akin, pero nadala ko sa pakiusapan dahil sabi ko ako mismo ang nagpapadala ng pera so may karapatan ako. Idagdag pa na dahil maliit lang ang bayan namin kaya halos magkakakilala ang mga tao. Sa madaling sabi dun ko nakita ang mga withdrawals, at puro natataon ng friday. Naisip ko every friday nagpapasahod sa mga trabahador... Binaliwala ko pa rin yon gusto ko malaman ko mismo sa bibig ng asawa ko kung ano nangyari.
Hanggan isang araw 4:00 A.M nagising nalang ako na mainit ang paligid ko, at ng imulat ko ang mga mata ko dun ko nalaman na ginawa na palang plantsahan ang likod ko ng asawa ko maswerte nalang at nilagyan nya pa ng kumot. Before pa non ginagawa nya ng lagyan ang paligid ng higaan ko ng kandila pero ok lang sa akin kasi nasa baba lang ng kama, pero ngayon iba na ito sa likod ko na sya nagpaplantsa ng damit (mula nga pala ng dumating ako di na kami nagtabi sa kama dahil ayaw nya at pabor na din sa akin dahil nga sa sakit nya).
Doon na ako nagdesisyon na umalis nalang ng bahay dahil sa sama ng loob at sa isipin na baka kung ano pa ang magawa sa akin ng asawa ko kung wala sya sa katinuan ng pag iisip. Pero bago pa ako umalis nagawa ko pang ibilin sya sa mga kapatid nya na tignan lagi. Nagpalipas ako ng sama ng loob sa bahay ng magulang ko at nalaman ko nalang na itinapon lahat ng gamit ko sa kalsada kaya napilitan ako umuwi.

Pero sa pagkakataong iyon binigyan ko na sya ng ultimatum na sa loob ng isang linggo maghihintay ako sa kanyang paliwanag kung saan napunta ang pera at kung talagang gusto nya pa akong makasama kahit wala kaming anak handa ko syang alagaan dahil mahal ko sya. “Hihintayin kita sa bahay ng kapatid ko “ iyan ang huling salita ko sa kanya. Umalis ako na kahit isang sentimo wala akong dala at kung ano lang ang suot ko ng oras na yaon iyon lang ang meron ako pati yong motor na service ko..... Lumipas ang isang linggo di sya nagpakita. ngunit kahit naglayas ako di ko pa rin sya matiis kaya every night pumupunta ako sa labas ng bahay namin kahit makita ko lang ang bubong at makitang may ilaw sa loob maligaya na ako.

Isang araw nag text sa akin kapatid nya, ang sabi wag daw ako mag isip na nagamit nila sa pagpapatayo ng bahay yong pera kung mga padala! Ang sabi ko naman ” hindi ako nag-iisip ng ganyan at ni minsan hindi ako nagbanggit sa inyo ng ganyan kaya sabi ko totoong ang isda nahuhuli sa sariling bibig.
At may nakapagsabi pa sa akin na may 2 pala syang pamangkin na nagsabi yong bayaw ko na kundi dahil sa pagpapa-aral ko sa dalawa nyang anak di makakapagtapos ng college. Lalong sumama ang loob ko dahil diko alam yon at ako nga kahit elementary man lang sa pamangkin ko di ko natulungan.

Lumipas ang mga araw yong isang linggo naging 3 buwan... nag desisyon na akong mag follow up sa mga applications ko dahil nabubuhay nalang ako sa tulong ng mga kapatid ko. Nagiging pabigat na ako sa kanila hanggan sa may nagpadala ng visa galing saudi. After a month naka-alis ako pabalik dito sa Saudi at kung hindi ko pa pinalakol yong drawer ng asawa ko di pa ako makaka-alis dahil naka kandado na napapaikutan pa ng kadena at nasa loob ang mga documents ko kasama na ang passport.

June 6, 2005 nakabalik ako dito sa Saudi and after 2 days, tumawag ako sa kapatid ko dun ko nalaman na pumunta yong asawa ko at byenan sa bahay nila, hindi para hanapin ako o makipag ayos, kundi dahil gustong kunin yong iniwan kung motorsiklo sa kapatid ko dahil conjugal daw yon at kailangan mapunta sa kanila. ( means sila na mismo ang nag conclude na hiwalay na kami dahil may mga binitawan na silang salita na conjugal ). Subalit nagmatigas ang kapatid ko dahil ang sabi nya ito lang ang nakuha ng kapatid ko sa paghihirap nya sa Saudi at ang lahat napunta sa inyo. Pati ba naman ito na kakarampot nalang kumpara sa ilang million na napunta sa inyo! Hanggan sa isang araw pinatawag ng Kapitan ang kapatid ko para magkaroon ng areglo para makuha nila yong motor. Subalit tinawagan ko mismo ang kapitan na willing ako ibigay sa kanila pero sila na ang magtutuloy ng hulog. Ngunit ang sagot ng byenan ko ako pa raw ang maghulog dahil nasa pangalan ko. Sa bwiset ko pinatawag ko ang manager ng Motortrade at sinabi kung hatakin nyo nalang ang motor. Dahil minsan gamit ng pamangkin ko biglang nakita ng asawa ko pinahuli yong pamangkin ko dahil ninakaw daw. At pati ako pina blotter na missing person ngunit di naman ginawa ng pulis kasi bago ako umalis ng bicol kasama ko pa sya sa inuman dahil ka batch ko ang mismong pulis na nilapitan.

Ilang taon na rin ang nakakalipas na hindi ako umuuwi ng bicol... 2007 nasumpungan ko ang bagong pag-ibig at ngayon may 2 na kaming anak. Balak ko sanang maghabul kahit man lang yong lupa na nabili ko noon, at pina check ko sa ngayon eh aabot na ng 2M ang halaga. At gusto ko ring maayos na ang status ko dahil may balak akong kumuha ng bahay dahil pag nag avail ako ng house & lot kailangan ko ng legal papers kasama na dyan ang marriage certificate.

Ano ba ang dapat kung gawin?
Kung magpi file kasi ako ng annulment baka balikan ako dahil may kinakasama na ako ngayon at may anak pa kami.
May paraan paba na maayos ang status ko? At mula ng lumayas ako sa asawa ko di na ako nagpadala ng pera sa kanya, may habol pa ba sya sa mga previous salary ko... Sana matulungan nyo ako sa kinasadlakan kung buhay.

Humihingi ng payo:
The martyr

Maraming salamat!

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Sus! malinaw ang ebidensya mo na may record sya ng pagka baliw ground for annulment yan! tapos wala kayong anak at ginawa kang palabigasan ng pamilya nya! meron ka namang copy ng bank statement katibayan yan na regular mo syang sinusuportahan at sobra sobra ang pinapadala mo para sa isang tao kaya nga lahat ng pamilya nya nakinabang din eh! hindi ka nila pwedeng balikan dahil matagal ka ng nagtitiyaga sa baliw mong asawa!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum