Ganito po yon, meron po kaming isang maliit na franchise na binuksan at umupa kami ng isang pwesto para dito. Dahil merong requirements ang franchisor na dapat ay pumasa sa CI nila ang pwesto. Ngayon, dahil alam namin na hindi papasa yung pwesto sa itusra, nagdesisyon kami na ipaayos ito. Kinunsulta namin ang may-ari ng pwesto at ayos lang sa kanila na ipaayos namin. Kaugnay nito ay humingi rin kami ng tulong sa kanila kung pwede bang tulungan nila kami na sa pagpapaayos ang pwesto sa pinansyal na aspeto. Ayon sa usapan nila ng misis ko, pumapayag sila na hati kami sa gagastusin para sa renovation subalit papaluwalan na muna namin ang lahat ng magagastos at saka namin paghahatian kapag natapos na ang renovation. Habang on-going ang renovation, hiningan namin sila ng contract to lease at hiniling din namin sa kanila na isama doon ang napagkasunduan na hatian sa pagpapagawa. Binigyan naman nila kami ng contract subalit incomplete po dahil hindi nakasaad doon ang usapan sa paghahati ng gagastusin sa renovation. Ang sabi nila ay aayusin daw nila ang contract ngunit ang pagkakamali ng asawa ko ay pinirmahan nya ito bago mapansin na wala ang usaping iyon. Ang lease contract nga po pala ay 5 years at walang provision para sa pre-termination. Pagkatapos po ng renovation ay pumasa naman sa CI ang pwesto at natuloy po ang pag-o-operate namin. Subalit sa kasamaang palad ay nalugi po ang negosyo namin at nagdesisyon kaming itigil na ang pag-okupa sa nasabing pwesto. Dahil naka-lease po sa amin ang pwesto, kinausap ng misis ko ang may-ari ng pwesto upang paupahan nila sa iba at nang hindi naman nakatengga. Sa madaling salita ay merong ibang umupa sa pwesto at ang upa ay napupunta sa may-ari ng pwesto. Ngayon kinausap namin sila na kung pwede naman ay hatian nila kami sa upa bilang kabayaran sa hatian naming napagkasunduan dahil kahit kusing ay hindi pa sila nagbibigay. Bigla pong naiba ang usapan, itinatanggi na nila na pumayag sila sa usapan ng hati sa renovation. Unfortunately po, hindi na nakabalik at hindi na nabago ang contract na ipinangako nilang babaguhin nila ng ayon sa napag-usapan. Dahil dito ang mga sumusunod po ang aking katanungan.
1. Meron po ba kaming karapatan na kumulekta ng upa sapagkat, technically ay naka-lease pa rin sa amin ang pwesto?
2. Meron po ba kaming karapatan na igiit sa kanila na obligado pa rin silang hatian kami dahil nakatayo na ang pwesto at kumikita sila dito dahil may umuupang iba?
3. May laban po ba kami kahit wala kaming mai-present na contract, sa kadahilanang ang physical proof ay ang naipaayos naming pwesto?
Maraming salamat po. Sana po ay masagot nyo sa madaling panahon ang mga katanungang kong ito sapagkat plano po naming idimanda sila.
Gumagalang,
Reynaldo Ramirez