May question lang po ako, paano po ba ang process ng pagpapalipat ng land title sa pangalan naming apat na magkakapatid? Yung property kasi presently nakapangalan sa lolo namin na namatay na, pero nabili ng tatay namin ung property nung binata pa siya. Aware naman ung mga kapatid niya na sa tatay talaga namin ung property saka sinabi na rin nila na hindi sila maghahabol sa property ng tatay namin. Ngayon po para makasigurado kaming magkakapatid gusto na po namin maipangalan sa amin ung lupa na naiwan ng tatay namin. Ano po ba ang mga hakbang na dapat naming gawin kung sakali man na isa sa mga kapatid nya ang maghabol sa lupa? Saka panu rin po ang hatian naming magkakapatid sa propert? kasi apat kami pero ung isa lang sa amin ang legitimate kasi anak siya sa unang pamilya at kaming tatlo ay illegitimate. Maraming salamat sa info.
Free Legal Advice Philippines