good morning po.sana po ay bigyan nyo ng oras nyo na basahin at mabigyan ng kasagutan ang aking tanong,maraming salamat po..ganito po kc yung ng yari.. kasal po ako sa unang asawa ko,pero dahil babaero sya hindi ko na po natagalan na nakisama sa kanya dahil na rin sa murang edad ko, hiwalay na po kami ng 30 years may sarili na po syang pamilya, ganun din po ako pero sa pangalawa ko pong asawa kasal din po kami, biniyayaan ng 3 babaeng anak yung panganay 30 years old kasal at may dalawang anak, yung pangalawa naman may isang anak hindi pa kasal, at yung bunso asa 3rd year college nursing student, nag sama kami bilang mag asawa sa loob ng 26 years,sya ay isang sundalo at ako naman bilang isang sale woman ng mga jeep pangpasada,hanggang nung nag retired sya bilang sundalo sya ay nasangkot uli sa pamamaril, kinasuhan sya ng mga taong binaril nya ngunit wala naman napatay inayos ko ang problema na ginawa nya nag bayad ako ng malaking halaga wag lang syang makasuhan,kaya nag pasya kaming mag tayo ng negosyo sa probinsya ko, ilang taong successful ang aming negosyo, grocery habang nag babantay ng grocery ang asawa ko ako naman ang nag iikot sa bawat baryo para ibenta ang ibang paninda,napatapos ko din ng nursing ang pangalawa kong anak at under garduate naman ang panganay sa kursong respiratory therapy,at nakapag patayo ng building, naka bili ng ilang truck at sasakyan at ilang lupain,pag lipas ng 7 taon na pag titinda naramdaman kong unti unti ng bumabagsak ang negosyo at umamin ang iba naming tauhan na sya ay nag bibigay ng libreng grocery sa babae nya, at lumalabas sa gabi kasama ng babae nya, nahuli ko na sila minsan mag kasama sa hotel umiinom ng alak, dun na nag umpisang gumulo ang pag sasama namin, hanggang sa gabi gabi na syang umiinom at nambubugbog ng tauhan ako ang tiga ayus ng mga binubugbog nya pinapagamot at binabayaran ko nalang sila ng pera para hindi na mag sampa ng kaso sa aking asawa, hanggang pati mga anak ko ay na huhuli syang pumapasok sa loob ng kwarto ng katulong at lumalabas sa gabi, at sa 3 years na naging magulo ang pag sasama namin, nakukuha nadin nya kong saktan at tutukan ng baril dahil sa gawa gawang nyang kwento tungkol sa driver namin at sakin, pinag tiisan ko pa din dahil hindi pa nakakatapos ang bunso kong anak, hanggang sa isang gabi naka inom uli sya ng alak, nabaril nya ang isa naming tauhan, nadaplisan lang at hindi napuruhan, kaya naki usap ako na babayaran at ipapagamot ko nalang, dahil gun van nuon, nag tago sya sa malayong lugar, hanggang ngayon hindi na sya bumalik, 5 years na syang di bumalik,inom at sugal nalang daw po ang ginagawa nya sa probinsya nya,wala na po syang sustentong inabot samin simula ng siya ay umalis,kaya ako na lang po ang kumayod para maipag patuloy ng aking bunsong anak ang kanyang pag aaral hanggang isang araw may natanggap akong subpeona galing sa kanya BIGAMY ang simanpa nya sakin...ito poh mga tanong ko: 1.may habol poh ba ako sa mga ari arian namin, gayong kasal pa daw ako sa una at sa apilyedo nya naka pangalan ang mga ari arian na pinundar namin? 2.posible po bang makulong ako gayong hindi naman nag hahabol ang una kong asawa 3. ano po ang pwede kong ikaso laban sa kanya 4. pano po ang magiging hatian namin sa ari arian at ng mga anak ko? gusto daw po nya ibenta lahat ng ari arian 5. maari po ba ako mangibang bansa at duon ay mamuhay ng tahimik? 6. ano po ang maganda kong gawin?