kailangan ko po sana ng advice mula sa mga lawyers dito.. almost 3 years na po akong kasal. civil po.. may 2 anak, isang 2 years olad at isang 4 y.old. pareho po kaming may trabaho ng aking asawa. sya po ay nagtatrabaho sa isang private company sa makati samantalang ako po ay isang government employee. Ano po ba ang reklamong maari kong isampa sa aking asawa kung hindi nya po nagagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang isang asawa at magulang? una: hindi po sya umuuwi sa akin. nagrerenta po sya sa isang condo kung saan kasama nya ang kanyang ktrabaho na meron ding sariling pamilya. samantalang maaari naman po syang pumisan sa akin sa aking bahay. pangalawa po, hindi po nya inaasikaso ang aming mga anak. hindi po nya regular na binibisita ang mga bata. Pangatlo: sa kabila ng kanyang maayos na sahod sa private company, ni minsan po ay hindi sya nagbigay ng tulong pinansyal para sa kanyang mga anak. magisa po akong nagtataguyod sa aming mga anak. ano po ba ang maari kong gawin? maari nyo po ba akong matulungan upang maipaunawa ko sa aking asawa ang kanyang mga legal na responsibilidad na nakasaad sa aming pagiging mag-asawa?
ang akin pong asawa ay may kakayanang bumili ng ibat-ibang luho para sa kanyang sarili tulad ng mga mamahaling sapatos, damit at bag. pero ni wala po syang naibibigay na tulong para sa kanyang mga anak.
Last edited by fcd06 on Mon Jan 21, 2013 3:39 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : additional statements)