Sir please give me advice for my work. October 2010 po ako nag start sa work ko dito sa pasay. Wala po mga deduction like SSS, Pag-Ibig, Philhealth & Tax. Starting November 2011 nagkaroon po kami ng deduction sa SSS & Tax hindi naman po daw kasi mandatory ang (Philhealth & Pag-Ibig) kaya ok lang po sa amin na hindi kami kinaltasan.
Ang problem ko po sa SSS
last October 2012 nag punta po ako ng SSS to inquire how to avail salary loans pero sabi po sa akin wala pa raw na remit ang company from January 2011. Mag ask daw ako sa company. inamin po ng company na hindi po na remit kaso ang masakit po patuloy po sila sa pagkaltas sa amin until now January 2013. Pero hindi pa rin po sila nagremit.
Sa Tax naman po
Simula November 2011 nag kakaltas po ang company tapos po nagka baby po ako ng month of May, kaso po parang mataas yung deduction nila base po sa computation ng BIR Tax Table. ngayon po nag punta po ako sa BIR ayaw po magbigay ng information kasi po confidential po daw yun gusto nila mag written ako sa company. sinabi ko na po sa company kaso wala po nagbago. Gusto ko po sana mag habol kasi 2013 na po. May plan na din po Isa pa sir yung kasama ko simula pumasok sya sa company wala po TIN number pero kaltas pa din ng kaltas ang company. sabi sa kanya ngayon kasalanan daw nya yun bakit wala sya TIN samantalang wala naman po nag guide sa amin sa company pati pag add ng exemption. Possible po ba mahabol ko yung sa tax parang over deduction po?
Sana sir matulongan nyo po ako sa problema kung ito. Maraming Salamat po.