im an OFW and im renting 5 years now sa isa sa 3 unit apartment dito sa manila, and last year ung landlady ko nagkasundo kaming rent-to-own ko itong inuupahan ko 38 sq.m 2 storey amounting to 1.4M, nagbigay po ako ng down payment Php 200k cash last feb 2012, binigyan ako ng landlady ko ng resibo ginawa nya sa half coupon bond at nangako akong magbibigay ng 50k every month starting May 2012, sisikaping makapagbigay ng 500k by dec 2012 kasama na yung monthly payment kong 50k, at by june 2013 400k. Tapos tuloy pa din po ang rent ng apartment hanggang sa ma fully paid kong bayad.
sa contract to sell nakasaad doon na this house was sold to ___ with the amount of 1.4M in partial payments tapos yung mga conditions at sa ibaba ay In any circumstances the house is sold. Payments made are non-refundable. The transfer of Certificate of tile will be the buyer's expenses. Only the subdivision of the land will be carried by the owner.
ang bayaran po namin after kong magbigay ng down payment ay thru post dated checks at nakabayad na ako sa kanya ng 400k all in all as of now,my landlady was so upset dahil hindi ako nakatupad sa pinag usapan namin sa kadahilanang may emergency sa family ko at masasabing hindi ako nakatupad sa usapan, hndi naman po niya inilagay sa usapan na kapag bakasyon po ako ay hindi ako maghuhulog dahil wala naman akong ibang source of income. kung hindi pa nga po ako humingi ng contract to sell ay wala naman syang balak na magbigay...hindi naman po pwedeng verbal lang kaya nag insist po akong mag provide sya at ng makagawa naman sya ay halos paalis na ako ng bansa at hindi ko na naipa notary public dahil yung xerox copy ng picture nya hindi nya pinirmahan ng 3 beses so useless din.
isa pa pong nakita kong malaking problema ay ng ipa check ko po sa manila city hall itong titulo ng lupa ay lote lang ang naka register at walang bahay. okey naman po ang titulo ng lupa although may encumbrances na nawawala ang titulo noon at nakakuha na ulit sila ng kopya. Ang isa pa pong nakikita kong problema ay minana lang nilang magkakapatid itong mga lupa nila sa nanay nila na matagal ng patay na dinonate sa nanay nila nung kapatid nitong buhay na nasa amerika daw po...pero sa dami ng lupang minana nila dito sa lugar namin at yung apelyido nila ay yun ang name ng street namin, noong panahon ng world war II yun mga ninuno nila ang nakakuha ng mga lupang bigay ng gobyerno dito, kaya naman yung name sa titulo ng lupa ay yun din ang syang name ng street dito sa lugar namin at kaya din hindi ako nagdalawang isip na makipag deal.
Ano po ba ang dapat kong gawin sa nakasulat sa contract to sell na in any circumstances the house is sold. payments are non-refundable? kasi po hindi ko na talaga inusisa ito dahil nga sa tiwala at ako'y paalis na ng bansa.in any circumstances the house is Sold po ba kanino? sa akin o inaalok pa nila ito sa iba? kasi po nalaman kong may bumili na ng 2 unit apartment sa tabi ko at maaaring naiisip na nilang ibenta na din ito sa iba. Ano po ba ang dapat kong gawin? Alam naman po nilang ako'y umaasa lang sa aking sahod sa pagiging OFW ko. Dito po sa rent ng apartment wala naman po kaming kontrata mula ng ako'y mangupahan dito. Nagbabayad kami thru deposit s bank lahat ng tenant dahil madalas na busy ang landlady at walang panahong pumunta dito, kung mayroon namang problema sa apartment nila, kung may ipapagawa o kukumpunuhin ide deduct na lang sa upa ng bahay.
Ano po bang dapat kong gawin? Ako po ba'y nag breached ng contract kasi hindi kami nagkaintindihan sa monthly payment at sa inaasahan nyang ibabayad ko nung dec 2012 na 500k nga daw po. Sana po ay matulungan ninyo ako. Maraming Salamat po at Lubos na Gumagalang, Chibbi.