may isinangla po na lupa sa akin na may 1% monthly na interest sa halagang 150k. last year winaive po yung interest dahil sa pinaupahan ko ito sa iba. Ngayong taon ay wala na pong umuupa dito kaya nais ko sanang ipatubos ito sa kanya. Noong nagusap kmi last week lang,ay sabi nya na next year pa nya ito mababayaran. Ngayon, maaari ko po ba itong isangla sa iba kahit na hindi payag ang may-ari sa dahilang kailangan ko na ng pera? at kung ito po ay pauupahan ko, kailangan ba na iwaive yung interest ko sa kanya dahil pauupahan ko ito? at nang malaman nya na maari ko itong paupahan ulit ay nanghihingi sya ng porsiyento d2?halimbawa na lang na kung pauupahan ko ito sa halagang 4500 pesos ay dapat na may 1500pesos sya,maari ba yun? ano ba ang mga karapatan ko at karapatan ng may-ari sa isyu ng sanglang lupa?...kung hindi po ba sya mkapagbayad sa itinakdang panahon,ano po ang maaaring kondisyon? maaari ko bang itaas ang interest o di kaya maging sa akin ang lupa?salamat po..