Hingi lang po ako ng advice. 7 years ago, may hiniraman po ang nanay ko ng pera worth 200k. Ang usapan po nila ay pwede silang tumira sa bahay namin sa probinsya nang libre, yun na yung interest ng utang namin. Ang usapan po nila, after 2 years, kelangan bayaran ng nanay ko ang 200k at aalis sila. Unfortunately, wala pong pambayad yung nanay ko that time at nag-offer kaming hulog-hulugan habang nakatira parin sila samin, pero hindi cla pumayag. Ngayon po, after 7 years mula sa pagkakautang namin, nakatira pa rin sila sa bahay namin at humihingi cla ng 350k(bukod pa sa 50k na naibayad na namin). Nagooffer kami na bayaran ng buo ang 200k na utang namin pero ayaw nilang pumayag at ayaw nilang umalis sa property namin. Hindi daw cla papayag na hindi nila makiha yung 400k. Gusto nilang ibenta ang bahay namin, pero nakasangla ang bahay namin sa gsis. Nagpunta na po kami sa baranggay pero ayaw na po nilang humarap. Hindi po namin hinahangad na mapaalis sila, ang gusto lang po namin ay ang magbayad at mawalan na kami ng pagkakautang.