Kami po ay may pinirmahan na loan agreement na nagsasaad na kung hindi ako makakapaghulog sa naka-schedule ng araw na ng hulog ako ay magkakaroon ng penalty na P350.00 a day, ako po ay pumirma dahil sa tulak ng kagustuhan na makabayad sa aking balanse.
Ako ay pumalyang makapaghulog sa unang linggo kung kayat ang hulog ko na P1,900.00 ay nagkakaroon ng penalty na P350.00 a day.
Sa 2nd week, ako ay pumalyang nakapaghulog uli kaya ako ay nagkaroon ng penalty P350.00 a day. Kung kaya't sa 2nd week na hindi ko pagkakahulog
pumapatak na P700.00 a day (P350 1st week + P350 2nd week) ang nadadagdag sa aking utang.
Sa 3rd week, ako'y pumalya uli, so additional P350.00 a day. Pumapatak na P1,050.00 a day ang aking naging penalty (P350 1st + P350 2nd + P350 3rd week)
Sa 4th week na pagpalya uli ang aking naging penalty umabot na P1,400.00 a day (P350 1st + P350 2nd + P350 3rd + P350 4th week)
Ung aking last 3 consecutive na hulog ay nahulugan ko naman
P 1900 5th week
P 1900 6th week
P 1600 7th week
at bago dumating aking due na November 27 ako ay nakabayad ng P15,000.00.
Paano po ba ang dapat gawin dito? sa kasalukuyan ako po ay may balanse P43,000.00 na puro lamang penalty charge dahil sa hindi ko paghuhulog weekly ngunit pagdating ng aking due date ako naman ay nakabayad sa principal ng aking pagkakautang. Kung tutuusin nga po ang lahat ng aking naibayad ay P20,750 sobra pa sa P13,000 na pagkakautang ko.