Good day po.. Nakahiram po ako ng pera na halagang 50,000.00 included po ang 10% interest and 10% commission ng nagpahiram sa akin.Hindi po kami nagkaroon ng pormal na pirmahan at pagtanggap ng pera na may lagda naming dalawa. Ibinigay ko lamang po ang aking atm at binigyan niya ako ng pera. nang taon pong iyon nakapagbayad lamang ako ng halagang 12,000.00 (5,000 then 7,000.00), nagkaproblema po ako ng malaki kaya hindi ko po ito nabayaran ng maayos.Hindi po niya ako binigyan ng resibo o anumang kasulatan na tumanggap siya ng bayad sa akin. Ang 7,000.00 ko po na naihulog ay idinagdag ng ang aking pinaghiramanan sa aking hiniram na pera dahil ito daw po ay di tinanggap ng financer nya... Naging 63,000.00(kasama po ang interest) po ang aking pagkakautang ayon sa huli naming pag uusap noong december 2010. Taong 2011 po ako ay nkapagbayad ng halagang 30,000.00 at isang 7,000 muli hindi na po niya ako muling ginulo ng ilang buwan... hanggang dumating po ang taon ng 2012 nakatanggap na po ako ng mga di magagandang text galing sa kanya at kanyang kinakasama, tinakot po nila ako na isusumbong sa aking magulang na alam niyang may sakit sa puso kaya ako ay napilitan magbigay ng gadget na PS3 upang wag nya lamang guluhin ang aking pamilya. Sa akin pong pag aakala na siya ay tumahimik pansamantala ngunit kung kani kaniong tao po sa aming barangay siya lumapit upang sabihin sa kanila ang aking pagkakautang at nitong huli ay dinala na nila ito sa barangay... Sa akin pong pagdalo sa barangay nagulat na lamang po ako na nakapagsumite na lamang siya ng statement niya na meron akong pagkakautang na 140,000.00 na an humihingi na po sya ng paraan kung paano ko ito mababayran. Hindi po niya ako binigyan ng pagkakataon na idiscuss ang mga halagang kanyang natanggap mula sa akin, hindi po niya ito diniscuss sa barangay.. nang humingi po ako ng isa pang paghaharap sa barangay hindi na po niya ako sinipot upang maklaruhan sna ang breakdown ng aking nahiram at naibayad... Humihingi po ako ng tulong sa inyo kung paano ko po mairereklamo ang ganitong uri ng pagpapatubo ng pera sa akin. Gusto ko po sana magbayad sa halagang aking kinuha lamang at maiklaro ang mga perang naibyad ko na din sa kanya... Ilang beses din po naapektuhan ang trabaho na kung saan ako'y lumiliban upang dumalo lamang sa aming paghaharap sa barangay ngunit ito'y hindi niya sinisipot nagbibigay siya ng kung anu anong alibi.. Nakikiusap po ako sa inyong tulong at advise. salamat po...