May problema po ako sa isang Funeral Homes na nag-issue ng 1 official receipt sa dalawang magkaibang tao pero iisa ang OR number. Ang original official receipt ay hawak ko dahil ako ang nagbayad sa funeral services ng tatay ko.
Ang problema ang may-ari ng funeraria kung saan ako nagbayad ng funeral services ng yumao kong tatay, ay nag-issue ng CERTIFIED TRUE COPY ng official receipt na in-issue nya sa akin ngunit ito ay kanyang pina-photocopy at pinalitan ng panagalan, ngunit ang mga entry sa Official Receipt ay katulad mismo ng sa akin.
Ano po ba ang kaso na pwede kong ihabla sa may-ari ng funeral homes at sa taong pinagbigyan nya ng kahalintulad na official receipt sa akin para lamang ma-claim nila ang BURIAL BENEFIT ng tatay ko?