Then, sinamahan na nga po niya ung babae sa nagpapautang, nagusap po ung babae at yung nagpapautang, binigay ung collateral, sa madaling salita, pinahiram po nila ng 15k. Nang ihatid na po ng mother ko yung babae sa sakayan, kinabahan po siya kaya nagtanung tanung siya doon sa place na sinasabi ng babae pati na po doon sa ospital na sinabi nya kung saan naconfine yung anak niya, naconfirm po nila na wala po talagang babae na ganun ang case.
Bumalik po siya sa nagpapautang at nasum-up po nila na nabudol budol gang sila, ang sistema po, pinagbabayad po nila ang mother ko noong ung ng 15k, then bumaba hanggang 10k. PinaBrgy na din po nila ang mother ko, pinipilit po nila na kailangang magbayad ang mother ko, ano po ba ang dapat niyang gawin? ano din po ba ang dapat niyang sabihin sa Brgy para matapos na po ang mga pagpapatawag sa kanila (kasi po naiiba na po ang kwento ng nagpapautang sa Brgy, pinipilit na pumagitan sa usapan ang mother ko na hindi naman po tlga totoo), kasi po naisstress na po ang family ko dahil fist time lang po namin maBrgy. Meron po bang habol talaga ang nagpapautang sa amin? May possibility po bang makulong ang mother ko sa hindi pagbabayad sa knila. Pilit po kasi nilang humingi ng areglo sa amin.
Note: Wala pong pinirmahan na kahit ano ang mother ko pati po yung babaeng nanloko.
Update: Kung hindi daw babayaran ng mother ko po yung 10k, sasabihin po nila sa Brgy na kasabwat daw po siya.
Maraming salamat po sa magaadvise. God Bless.