Salamat po sa lahat ng comment nyo, for the benefit of the doubt hayaan nyo pong ikwento ko ang pangyayari. Mangyari po lamang na sana ay hindi nyo ako husgahan ngunit intindihin.
Sa loob ng 15yrs ng aming pagsasama ay kahit kailan hindi ko naramdaman ang respeto ng asawa ko sa akin at lalo na sa nanay ko at mga kapatid ko. Pinilit nyang kontrolin ang buhay ko sa at sa tuwing hindi ayon sa kanya ang pangyayari ay simula na ng away. Unti unti nawala ang tiwala ko sa sarili ko, nagkaroon ako ng inferiority complex, hindi na ako nakikihalubilo sa mga kaibigan ko at hindi na rin ako nakakabisita sa nanay ko kahit minsan. Pakiramdam ko noon hindi na ako normal.
"UNDER" yan ang bansag sa akin ng mga kaibigan ko at lahat ng nakakakilala sa amin, lahat ng desisyun kailangan siya ang masunod, marami akong plano na hindi natuloy dahil sa kakakontra nya. Iniisip kasi nya ang experience nya noong bata pa sya na kahit kailan ay hindi daw sya nakaranas ng pagtanggap, lagi daw sya nirereject kaya siya naging matapang. Pinaliwanang nya sa akin yun noong nagreklamo na ako dahil na rin sa nahihiya na ako sa mga tao. Alam kong di tama pero pinakisamahan ko sya dahil na rin sa mga anak namin at dahil sa mahal ko din sya. Lahat kami pati na ang nanay at mga kapatid ko ay ilag sa ugali nya kasi nga nagiiskandalo pag nagagalit. Dahil na rin sa kami ang mas nakakaintindi eh hinayaan namin sya hanggang sa namihasa. Ok naman siya pag hindi galit, pero once na my nagtrigger ng galit nya nagtatransform sya into different character, may disorder kasi sya sa anger. Ganon lagi ang sistema kahit nang makapag abroad na ako.
Noong makapag-abroad ako, doon ko nakita lahat ng naging epekto nya sa buhay ko, pakiramdam ko naging malaya ako. Unti unti bumabalik sa normal ang pagkatao ko. Natuto na muli akong makihalubilo sa tao, nagkaroon ako ng mga kaibigan, pati confidence ko bumalik. Sabik na sabik pala ako sa mga tao, hindi ko naranasan to noon sa loob ng 10 years. Hindi nya gusto yun, kaya lagi nya ako tinatanong kung asan ako baka daw nambababae na ako dito, lagi nya ako binibintangan na may babae kahit wala. Hanggang sa dumating na nga nagkaroon ako ng kasintahan dahil na rin sa lagi syang nagbibintang kaya tinotoo ko na lang, sobra akong nakaramdam ng tamang pagmamahal ng isang kabiyak kahit alam kong bawal at masama eh nagawa ko yun. Dumating yun sa kaalaman nya ngunit di ako umamin, simula noon nagulo na ang buhay ko dito sa abroad. Noong unang uwi ko, inamin ko sa kanya ang lahat ng harapan nya syempre nagalit sya, sinabi ko sa kanya kung bakit ko nagawa yun at tinanggap nya naman ako noong nandun ako. Nang bumalik na ako dito, hindi ko na binalikan yung naging GF ko, binalik ko na ang atensiyon sa pamilya ko. Dun naman naging mas matindi sa pagbabantay ng asawa ko sa akin na kahit na sa oras ng trabaho ay inaalam kung asan ako. Lagi nya na ako sinusumbatan sa tuwing magkakausap kami tungkol dun sa nakaraan ko dito. Kahit kailan pala ay hindi nya ako napatawad, sabi nya at hindi daw ganong kadali yun, dahil alam kong nasa tama ako ngayon, natuto akong sagutin sya at sumbatan na din sa naging buhay ko sa kanya. Hanggang sa sinabi ko na rin ang sarap ng pakiramdam ko pag wala sa piling nya.
Hiningi ko na bigyan nya naman ako ng kalayaan na makihalubilo sa mga kaibigan ko na gawin ko kung anong gusto ko, puntahan ko ang lugar na gusto ko na hindi na kailangan magpaalam sa kanya, kasi iisipin nya na naman na mambababae lang ako. Simula noon sinabi nya sa akin na tapos na kami at ayaw nya na ako makita man lang. Sa unang pagkakataon ay pumayag akong makipaghiwalay sa kanya, na noon ay lagi kong tinatanggihan, sa tuwing nagaaway kasi kami ay hindi nawawala yung sabihin nyang maghiwalay na lang kami at hindi nya ako kailangan. Nagkahiwalay nga kami, pero patuloy pa rin ang suporta ko sa kanila syempre. Sinabi ko na wag na lang idamay ang mga bata at wag ipaalam sa kanila ang sitwasyun namin. Uuwi pa rin ako sa bahay namin tuwing magbabakasyun ako, yung ang set-up.
Nitong nakaraang mga buwan ay nagkaroon uli ako ng GF at muli ay nalaman nya ito, nagtransform na naman siya, lahat ng mgagawa nya para siraan ako sa lahat ng mga kakilala ko sa FB, sa office at pati mga wife ng kasama ko sa work ay dinamay nya. Minumura nya ako sa FB, hindi nya na naman ako binigyan ng kahihiyan. Sobrang humiliation ang nararanasan ko pero tiniis ko, ginagawa nya daw yun para bigyan ako ng leksyun at bumalik sa kanya. Sinabi ko sa kanya na wala na akong nakikitang future sa kanya kasi alam kong susumbatan nya lang ako pagdating ng araw, sinabi ko na hindi na magiging masaya ang buhay ko sa kanya dahil na rin sa ugali nya. Dun na nagsimula ang pagbabanta nya at pagdedemand na dapat ay sa kanila lang daw mapunta ang perang kinikita ko dito. Ok lang sa akin yun ang hindi ok ay ang pagbabanta nya ipapapatay nya ako pati na rin ang GF ko sampu ng pamilya nya. Nagyon ay nagdesisyun ako na wag na muna umuwi at sinabi nya sa akin na mas masakit ang gagawin nya sa akin dahil ni minsan ay hindi nya na ipapakausap sa akin ang mga anak ko at manlalalaki din daw sya at iaakyat pa dun sa bahay namin. Sabi nya mas masakit daw yun kasi nagbibigay ako ng pera pero walang pamilya, pinutol nya lahat ng communication namin ng mga kids kaya hindi ko alam kung ano kumusta na ang mga anak ko.
Eto po ang kwento namin, alam ko pong may mali din ako pero ginawa ko lang ang nakikita kong makakapagpasaya sa akin, tao din po ako tulad nyo. Pasensiya na kung napahaba, di ko mapigilan ikwento para sa mga gustong makaalam. Maraming salamat!!!