Year 2006, tita ko po e nangutang ng 345thousand sa 1 lending company dahil ipinambayad sa ibang utang dahil sa pagkakasakit ng aking namatay na lolo, house & lot po ung ginamit na colateral..nung mga unang taon nakkapagbayad po ng interest, nung mga sumunod paskip-skip na po pagbabayad kc po lumala ang financial crisis ng pamilya.. at ngaun po wala na po ung tita ko, nangibang bansa pero hindi pinalad na makakita ng magandang trabaho dun. naniningil na po ung lending ngaun, worth 1.2M po ang cinicngil dahil daw po sa interes...wala po kaming pambayad. Ang sabi po sa lola ko ng attorney ng lending, within 2 mos daw po dapat nakaalis na kami sa house & lot na un. Sabi po ng me ari ng lending "hindi ko na isasama ang bahay,alisin nyo at isama sa inyong pag alis, pero hindi ako magbibigay ng panggastos sa paghahanap nyo ng bagong malilipatan, mag umpisa na kayong magbalot balot ng mga gamit nyo"..
Bungalow po ung bahay na bato, pano po namin maiisama sa aming pag alis?? Naaawa po ako sa lola ko kc matanda na, at san naman po kami titira kasama maliliit pa nyang mga apo kung palalayasin kami sa bahay na yun? Duda ko po kaya 2mos lang binigay na palugit kc alam nilang pag nakuha nila bahay at lupa na un, pag binenta nila mas tutubo pa sila. Ang gusto po sana namin e ibenta na ung bahay at lupa para po may maibayad kami tapos ung sobra ipagpapagawa namin ng bahay na malilipatan. Kaso napakaikli po ng panahong ibinigay samin para makahanap ng buyer. Ano po gagawin namin? This coming friday daw po isasama na ang lola ko sa abogado para papirmahin ng mga dokumento. Kung hindi daw po pipirma, dadalhin na daw po sa korte ang kaso at makukulong ang lola ko.. Nag aaral pa po ako sa elemntarya.. wala po kaming pambayad ng abogado...wala po kaming laban sa kanila. Ano po gagawin namin?
Dahil matanda na po ang lola ko, hindi po nya alam kung nasan na mga resibo ng pinagbayadan dati ng interes..wala din pong ibinigay na computation kung bakit umabot sa 1.2M ang pagkakautang namin..wala din po kaming hawak na kasulatan ng pagkakasangla. Pero ang titulo po ng bahay at lupa ay nasa lending.
At kung dadalhin po ba sa korte ang kaso, may chance po ba kami? May chance din po bang mapababa ang halaga ng babayadan namin? napakalaki po ng ipinatong nilang interes...
Sana po ay matulungan nyo kami kung ano ang pwede naming gawin...