Greetings! Ako po si Mags. Nais ko lang po tulungan yung kaibigan ko at workmate niya kasi po nagkaroon sila ng problem sa company. Gawin ko na lang po parang script yung details para mas madali po ninyo maunawain at mahirap din po i-explain. pasensya na po.
Nag-offer ang employer ni employee(medicard issue) ng dependents opening.
So, nagapply si employee(medicard issue) para dito at nilagay ang tatay at nanay nya.
Kinakaltasan si employee(medicard issue) dito buwan buwan so alam nya na ok yung medicard ng parent nya. Na receive na rin nila yung card so dapat po eh activated na.
Eksena sa Ospital ng parents:
Na decline sila ng medicard staff because may problem daw po yung company ni employee(medicard issue) sa medicard.
Tinawagan ngayun ng parents niya si employee(medicard issue) na hindi sila tinanggap sa ospital dahil may issue daw.
Si employee(medicard issue) naman ngayun. tumawag sa opisina para i-verify kung bakit ganon yung nangyare. walang maibigay na information ang medicard sa opisina. dapat daw sa accounting makipag usap.
Si employee(medicard issue) ay tumawag agad agad sa accounting pero walang nasagot. Masama loob ni employee(medicard issue) dahil pano nga naman kung life and death situation, di man lang sya na notify na merong problema sa company. Since hindi niya makausap ang HR about dito. minabuti nya na lang na sa supervisor niya na lang siya magsabi upang ito yung magsumite or makipag-communicate sa HR.
Nagawa namang makausap ng supervisor ang HR at inaccomodate na nila si employee(medicard issue). Sa paguusap, wala masagot ang HR kung bakit nagkaroon ng problema gayong patuloy ang pagkaltas nila kay employee(medicard issue) at ni hindi man lang nasabihan na merong problema. aAng nasabi nalang ng HR manager ay aayusin nila. Bilang sukli, binigyan si employee(medicard issue) ng memo for administrative hearing for being unprofessional LEVEL 5.
ito po yung nakasaad,
unprofessional - any act of discourtesy, insult, or disrespect against any of the Company's customers, visitors, business associates or emploees. Level = 5.
Kaya po ngayun siya pa yung nadagdagan ng problema ni employee(medicard issue). Nagulat na lang siya ng bigla itong ibigay at dated october 22, 2012 pa. ang date ng schedule of hearing ay November 27, 2012. sana po matulungan nyo po kami agad agad sa situation na ito dahil sa tingin po namin ay panggigipit ito kay employee(medicard issue).
Tungkol naman po kay employee(tax issue)
mag 1 year na sya sa company. Ngayon po eh bigla nya naisip i-verify yung tax nya from BIR. dun lang po nya nalaman na walang naihuhulog yung latest company nya dito gayong kinakaltasan sya buwan buwan. nang tanungin nya din ang HR kung bakit nagkaroon ng problema ang sagot daw eh baka daw wala siyang prinesenta na document tungkol sa BIR nya. Ang sagot naman po ni employees(tax issue) ay hindi po pwede iyon dahil sa inyo mismo nanggaling na hindi maibibigay ang atm kapag di nagbigay ng TIN number. Nang tanungin ni employees(tax issue) kung saan napupunta yung kinakaltas sa kanya, "meron kang temporary id para dun pumasok yung kinakaltas sa iyo, aayusin na lang namin yon at wag ka magalala" sagot daw po ng HR Manager.
Matanong lang po namin anu ang posibility or dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong problema ang company. and second, labag po ba ito sa batas? labag din po ba ang hindi pagnonotify sa employee na merong problema ang benefits? tama po bang kaltasan lang sila ng kaltasan gayong meron palang mga problema at hindi pa naaayos?
kung meron pong agreement na kung na upgrade ng position ang employee ay mawawala na ang mga Incident reports nito, possible pa rin po bang ungkatin ito ng company at ikaso kahit nabago na yung profile mo?
sana po mabigyan nyo po kami ng kasagutan lalong lalo na po yung sa employee medicard issue dahil ngayung nov. 27 na sya i hearing. naaawa po kasi ako sa kanya gayong patuloy na lumalaban ang tiyahin nya sa cancer at ang ama at ina nya sa highblood.
PS: Magpapacheck up sana ang parents ni employees(medicard issue) patungkol sa breast cancer dahil meron na itong previews encounter dito at para makasiguradong hindi maulitan katulad ng sa kapatid nitong tiyahin ni employee(medicard issue).
Sana po ay matulungan niyo kami. Salamat po.